Imbestigasyon kaugnay sa vote-buying complaints, gagawing priority ng DOJ
- Published on April 2, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ay magbibigay ng “preferential attention” sa mga reklamong may kinalaman sa vote-buying upang ang mga kaso ay mabigyan ng mabilis na resolusyon.
Aniya, ito ay sa loob lamang ng limitadong panahon kung saan “panahon lamang ng halalan”.
Sinabi ni Guevarra na inatasan niya ang National Prosecution Service na bigyan ng preference ang mga reklamo na may kaugnayan sa vote-buying at ang Public Attorney’s Office para tulungan ang mga indibidwal na maaaring gustong magsampa ng mga reklamo.
Bumuo ang gobyerno, partikular na ang Commission on Elections (Comelec), ng inter-agency task force na tinatawag na “Kontra Bigay” para harapin ang mga isyu sa pagbili ng boto noong Mayo 9 na botohan.
Sa task force, sinabi ni Guevarra na umaasa siyang mas maraming tao ang lalakas loob na mag-ulat ng mga insidente ng pagbili ng boto, dahil “napakalimitado” lamang ang bilang ng mga indibidwal na nagsampa ng mga kaso.
-
Pacquiao posibleng bumalik sa boxing – Buboy Fernandez
HINDI ikinaila ni Buboy Fernandez ang posibilidad sa pagbabalik boxing ni Manny Pacquiao. Nakatakda kasi ng magkaroon ng exhibition fight si Pacquiao laban kay South Korean YouTuber DK Yoo sa Disyembre. Ayon sa personal trainer at kaibigan ng dating senador na si Fernandez na ang exhibition fight ng boxing champion ay […]
-
‘Fruitful talks” kay Pres. Xi, Iniulat ni PBBM
INIULAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabunga at produktibong bilateral meeting nito kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing. Ang nasabing miting ay nakatuon sa “soft infrastructure, climate change, renewable energy, people-to-people ties at agricultural cooperation na kinabibilangan ng tinatawag na “durian protocol.” “It has been a very wide-ranging […]
-
DA, tutulungan ang mga magsasaka na mapababa ang production cost
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na tutulungan nito ang mga magsasaka na mapababa ang production costs, kinokonsiderang pangunahing dahilan sa pagtaas ng market price ng bigas. Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na masusi nang nakikipag-ugnayan ang departamento sa grupo ng mga rice farmers dahil na rin sa pagtaas ng presyo […]