• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imbestigasyon kaugnay sa vote-buying complaints, gagawing priority ng DOJ

INIHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ay magbibigay ng “preferential attention” sa mga reklamong may kinalaman sa vote-buying upang ang mga kaso ay mabigyan ng mabilis na resolusyon.

 

 

Aniya, ito ay sa loob lamang ng limitadong panahon kung saan “panahon lamang ng halalan”.

 

 

Sinabi ni Guevarra na inatasan niya ang National Prosecution Service na bigyan ng preference ang mga reklamo na may kaugnayan sa vote-buying at ang Public Attorney’s Office para tulungan ang mga indibidwal na maaaring gustong magsampa ng mga reklamo.

 

 

Bumuo ang gobyerno, partikular na ang Commission on Elections (Comelec), ng inter-agency task force na tinatawag na “Kontra Bigay” para harapin ang mga isyu sa pagbili ng boto noong Mayo 9 na botohan.

 

 

Sa task force, sinabi ni Guevarra na umaasa siyang mas maraming tao ang lalakas loob na mag-ulat ng mga insidente ng pagbili ng boto, dahil “napakalimitado” lamang ang bilang ng mga indibidwal na nagsampa ng mga kaso.

Other News
  • KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE

    GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live,  ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR.     Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live […]

  • Na may pag-asang pagkakaisa sa kabila ng mga hamon: ‘Women’s Month’ celebration sumipa na- CHR

    SUMIPA na noong Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa.     Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay […]

  • DOH: Mga doktor na nag-reseta ng ivermectin, pina-iimbestigahan na sa PRC, FDA

    Naipadala na ng Department of Health (DOH) sa Professional Regulation Commission (PRC) ang liham na nage-endorsong maimbestigahan ang mga doktor na nag-reseta ng ivermectin sa Quezon City noong nakaraang linggo.     “Nakapagpadala na tayo ng formal letter sa PRC last Friday, and they have acknowledged this,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.     […]