• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IMBESTIGASYON LABAN SA FLIGHT ATTENDANT, MAKUKUMPLETO NA

INAASAHANG makumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa pakamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City noong December 31,2020.

 

Ito ay makaraang matanggap na ng NBI angilan pang ebidensya na hawak ng Philippine National Police (PNP) tulad ng specimen, cellphone at garments.

 

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nasa posisyon na ang NBI  upang mapabilis  ang pagsisiyasat  nito sa loob ng isang linggo matapos ipaalam sa kanya na  ibinigay na ng PNP ang ilang ebidensya sa NBI.

 

Isusumite naman ang ulat ng NBI sa DOJ para sa pagsaalangalang ng investigationg prosecutor. (GENE ADSUARA) 

Other News
  • MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD

    NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas.     Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya.     Una nang sinabi ni Dizon […]

  • “Too late” na ang Pinas na magpatupad ng travel ban laban sa Indonesia, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na “too late” na o nahuli na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban laban sa Indonesia na napaulat na may maraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.   “Hindi naman po too late ‘yan kasi meron naman po tayong datos ng […]

  • Desisyon sa minimum wage hike, malalaman bago Mayo

    INAASAHANG  bago pa pumasok ang buwan ng Mayo ay maglalabas na ng desisyon sa mga petisyon hinggil sa hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.     “Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary Bello na pabilisin ang […]