Imbestigasyon sa UST tinatapos pa
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes.
Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports Institute (PSC-PSI) National Training Director Marc Edward Velasco, Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil Mitra, UAAP executive director Rene Saguisag Jr., UAAP Season 83 president Emmanuel Calanog, Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera at Executive Director Atty. Cindy Jaro sa isyu.
Ang ipapasang ulat buhat sa imbestigasyon ang ilalatag ng UAAP sa Joint Administrative Order group ng IATF panel ng PSC, GAB kasama ang Department of Health (DOH) para sa posibilidad na sanction sa pamantasan.
Sa darating na Martes, Setyembre 1, muling magpupulong ang IATF panel at ang UAAP. (REC)