Import at export ng mga produkto ng Unilever sa Russia, suspendido na rin
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE na rin ng kumpanyang Unilever ang lahat ng import at export ng mga produkto nito sa Russia.
Ito ay bilang pakikiisa ng nasabing food and consumer giant sa panawagang tuldukan na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasabay ng pag-asa nito na mananaig pa rin sa huli ang kapayapaan, karapatang pantao, at ang pandaigdigang tuntunin ng batas.
Sa isang statement, nilinaw ng kumpanya na magpapatuloy sila sa pagsu-supply ng kanilang everyday essential food at hygiene products na gawa sa Russia sa mga tao sa bansa, habang isinasailalim ito sa mahigpit na pagsusuri.
Habang ang operasyon naman nito sa Ukraine at kasalukuyang itinigil upang tutukan anila ang pagtitiyak sa kaligtasan ng kanilang mga empleyadong Ukrainians at kanilang mga pamilya.
Nakiisa rin ang Unilever sa pagtulong sa paglikas sa mga kinakailangang ilikas, at pag-aabot ng dagdag na tulong pininsyal sa mga apektado ng naturang kaguluhan.
-
Bulacan, ginunita ang ika-123 Anibersaryo ng Republikang Pilipino
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pagdiriwang ng isa sa mga pinaka kilalang kaganapan sa Lalawigan ng Bulacan, pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang isang payak na programa sa paggunita ng ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino na ginanap sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain dito kaninang umaga. May temang “Unang Republikang […]
-
DepEd, pumayag na sa ‘flexibility’ sa pagtuturo ng bagong K-10 curriculum
SIMULA sa second quarter ng school year, maaari ng i-adopt ng mga eskuwelahan ang class schedule base sa kanilang pangangailangan at kakayahan. Ibinatay ito sa revised policy ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng MATATAG K-10 curriculum. Nakasaad sa DepEd Order (DO) No. 012, s. 2024, nilagdaan ni Education Secretary Sonny […]
-
PAKISTANI, INARESTO SA PAG-OPERATE NG SHOP NA WALANG VISA
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani dahil sa pag-operate ng kanyang shop na walang kaukulang visa. Sa ulat na isinumite kay BI Commissioner Jaime Morente ng BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang Pakistani na si Nasir Khan, na inaresto sa kanyang ika-25 mismong araw […]