• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imprastraktura dahil sa Abra quake sumirit na sa P1B

UMABOT na sa mahigit isang bilyon ang halaga ng nasirang imprastraktura dahil sa magnitude 7 na pagyanig sa Abra, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.

 

 

Batay sa inilabas na situational report ng ahensya nitong alas-8 ng umaga, 1,470 na ang kabuuang bilang ng nasirang imprastraktura na siyang nagkakahalaga ng Php1,252,288,371.81.

 

 

Sa 1,470, 722 dito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 596 mula Region 1, 131 mula Region 2, 12 mula National Capital Region (NCR), at 9 mula Region 3.

 

 

Dagdag pa rito, inulat din ng NDRRMC na sumipa na sa P15,264,476 ang kabuuang halaga ng produksiyong nawala at pinsala sa Kagawaran ng Agrikultura samantalang P4,500,000 naman sa National Irrigation Administration.

 

 

Bukod dito, iniulat din na nasa 1,248 indibidwal na ang inilikas at 27 munisipalidad na ang isinailalim sa state of calamity.

 

 

Batay sa pinakabagong datos ng ahensya, siyam na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong nasawi dahil sa pagyanig na silang nagmula lahat sa CAR samantalang 376 naman ang nagtamo ng injury ?— 374 mula CAR at dalawa naman mula Region 2.

 

 

Nito lamang nakaraang Miyerkules, ika-27 ng Hulyo, niyanig ang Tayum, Abra na may lalim na 17 kilometero.

 

 

Bukod sa naturang probinsya, naramdaman din ang pagyanig sa mga karatig bayan nito at maging sa Metro Manila. (Ara Romero)

Other News
  • Kinumpirma sa mismong ‘Araw ng mga Ama’: ZANJOE, may sweet message kay RIA after ng pregnancy news

    LAST Sunday, June 16, kinumpirma na ni Ria Atayde na dinadala niya ang first baby nila ni Zanjoe Marudo sa kanyang Instagram post.       Kasabay ito nang pagbati niya kay asawa ng ‘Happy Father’s Day.’       Kasama ng dalawang larawan na kuha sa isang beach na kung saan first time ipinakita […]

  • Social amelioration programs ng DSWD pinapa-excempt sa spending ban sa halalan

    ITINUTULAK ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na gawing exempted ang lahat ng emergency financial assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa spending ban dahil sa eleksyon.     Sa kanyang liham kay DSWD Sec. Rolando Bautista, hiniling ni Salceda na i-petition nito sa Comelec na gawing […]

  • DOH pinaghahanda sa lalo pang maluwang na Alert Level 2

    Pinaghahanda na ng Department of Health ang lahat ng local government units (LGUs) sa Pilipinas na maghanda sa dahan-dahang pagluluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions kasunod ng lalong pagbaba ng mga kaso nationwide.     Ang nabanggit ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na posibleng ilagay […]