Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan.
Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado ng 25-year-old TV host-actress para paimbestigahan ang kumakalat na sex video.
Hiling ng kampo ni Maine na maparusahan ang nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng malaswang video.
Ito’y bagama’t una nang inamin ng girlfriend ni Arjo Atayde na kamukha niya ang babae sa video ngunit edited na raw gamit ang tinatawag na deepfake technology.
“Lumagay man kayo sa ‘min bilang magulang, siguro mararamdaman niyo rin yung sakit, yung nararamdaman naming mga pamilya niya,” naiiyak na sambit ng nakatatandang Mendoza.
Sa panig ng NBI, nangako ang Cyber-Crime Investigator na si Victor Lorenzo na masusi silang mag-iimbestiga kaugnay ng isyu.
Dumulog kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kampo ng Kapuso celebrity na si Maine Mendoza para paimbestigahan ang kumakalat na video scandal sa social media.
Nagtungo ang abogado at ang ina ng aktres kay NBI Cyber Crime Division chief Victor Lorenzo para maghain ng reklamo.
Una nang napaulat ang pagtanggi ni Mendoza na siya ang nasa video scandal subalit kamukhang-kamukha umano niya ito kaya siya kinilabutan nang mapanood
Pati ang manager ni Mendoza ay una nang naglabas nang pahayag at sinabing peke ang naturang sex video at halatang minanipula o inedit .
Nais din nilang mapanagot ang responsable sa video, na naka-apekto sa imahe ni Mendoza.
Sinabi naman ni Lorenzo, magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa naturang video. Naalarma ang aktres nang i-share ng netizen sa Twitter noong Disyembre 22, 2020 ang screenshot ng nasabing video scandal.
Nakiusap din ang management ng All Access To Artist, Inc., sa publiko na huwag nang i-post, i-share o ipakalat pa ang video dahil handa silang magsampa ng kaukulang demanda laban sa gagawa pa nito.
-
Gumabao, Bernardo hahataw para sa Creamline
MULING maglalaro si veteran Michele Gumabao para sa Creamline bilang preparasyon sa Premier Volleyball League Invitational Conference na hahataw sa Sabado sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City. Bigo ang opposite hitter na si Gumabao sa nakaraang eleksyon kaya siya magbabalik sa Cool Smashers. Huling nakita sa aksyon si […]
-
Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP
PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday. Ito ang paalala ni Philippine National Police chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon. Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto […]
-
PDu30, hindi bahag ang buntot at hindi duwag nang umatras sa debate kay Carpio; Panelo, hinamon ng debate si Carpio
HINDI kaduwagan o pagka-bahag ng buntot ang ginawang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa debate nito kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio. Ito ang tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kumalat sa Twitter na hashtag #DuterteDuwag. Sa halip kasi na si Pangulong Duterte ang makipag-one-on-one debate […]