• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP

PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday.

 

 

Ito  ang paalala ni Philippine National Police  chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon.

 

 

Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto sa paggunita sa  Holy Week

 

 

Sinabi ni Carlos na mahigpit nilang babantayan ang mga aktibidad sa mga pampublikong lugar sa mga nabanggit na mga araw gayundin ang mga politiko at kanilang mga supporters.

 

 

Agad nilang ipaaalam ito sa Comelec upang  mabigyan ng  kaukulang parusa.

 

 

Ang paalala ay ginawa ng PNP chief kasabay ng paghahanda ng PNP para sa darating na Semana Santa.

 

 

Una nang binilinan ng PNP chief ang lahat ng field commanders na siguraduhin ang police visibility at magtatag ng mga police assistance centers sa mga lugar na tradisyunal na dinudumog ng mga tao sa panahong ito, partikular sa mga transportation hubs at sa mga major highways patungo sa mga lalawigan.

 

 

Kamara naghahanda na sa canvassing of votes

 

 

Naghahanda na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa Consolidation and Canvassing System (CCS) sa posisyon ng presidente at bise presidente sa bansa.

 

 

Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang canvass of votes ay kabilang sa pinakamahalagang constitutional mandate ng Kongreso.

 

 

Nitong Lunes ay nagsagawa ang ilang mga mambabatas sa Kamara ng executive session para sa briefing ng Comelec sa National Board of Canvassers-Congress para sa paggamit ng CCS sa halalan.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa publiko partikular na sa mga botante na bawat boto ay mabibilang ng tumpak.

 

 

Ang deployment ng CCS equipment ay inaasahan sa huling linggo ng Abril.

Other News
  • Inamyendahang substitute bill sa kaunlaran at pagsusulong ng mga malikhaing industriya sa Pilipinas aprubado

    Inaprubahan ng House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts sa Kamara, na pinamunuan ang substitute bill na naglalayong isulong at paunlarin ang mga malikhaing industriya sa Pilipinas.     Ang substitute bill ay para sa House Bill 4692, na iniakda ni Tarlac Rep. Victor Yap, HB 6476 ni Tarlac Rep. Carlos Cojuangco, at […]

  • KYLIE at ANDREA, naniniwala na importante ang ‘trust and respect’ sa isang relasyon; social media celebrity couple sa rom-com series sa ‘BetCin’

    MAGSISIMULA na ang newest WeTV Original rom-com series na BetCin sa WeTV ngayong Oktubre 15 sa ganap na ika-walo nang gabi.     Gaganap bilang social media celebrity couple sina Kylie Padilla at Andrea Torres na tila may halos perpektong relasyon, pagdating sa online.     Sa likod ng mga filtered posts, hindi ganoon kadali […]

  • PGB SPECIAL AWARD

    PGB SPECIAL AWARD. Iprinisinta ni Bulacan Provincial Jail Warden Ret. P/LT COL Marcos C. Rivero kasama si P/LT COL Rizalino A. Andaya (dulong kanan) ang tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na BJMPRO-III’s BEST 2022 Special Award mula sa Bureau of Jail Management and Penology Regional Office III para sa ‘di-matatawarang suporta nito sa huli […]