• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaabangang national costume ni RABIYA nairampa na, #AribaRabiya agad na nag-trending

NAIRAMPA na ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang inaabangan na national costume niya para sa 2020 Miss Universe National Costume Show.

 

 

Parang mala-Victoria’s Secret Angel si Rabiya na effortless na nirampa ang mabigat na costume na inspired ng Philippine flag: blue color representing royalty, red for the courage and strength of an independent woman, and yellow for the color of the sun and stars.

 

 

Inamin ni Rabiya na mabigat ang costume niya pero ang nagbigay lakas sa kanya ay ang suporta ng maraming kababayan sa buong mundo.

 

 

Nag-trend sa Twitter ang #AribaRabiya ilang oras bago lumabas sa entablado si Rabiya para maipagmalaki ang national costume na gawa ng yumaong Filipino international designer na si Rocky Gathercole.

 

 

Umabot ang hashtag sa higit na 50,000 tweets umaga ng May 14.

 

 

Mapapanood ang national costume round sa official Miss Universe YouTube channel.

 

 

Fans can vote for their favorite costume at https://missuniverse.com/vote. Voting closes at 11:59 p.m. on May 15.

 

 

***

 

 

NILABAS na ng Miss Universe ang eight all-women members of the selection committee para sa taong ito.

 

 

Kasama rito ang dalawang past title holders na sina Miss Universe 1997 Brooke Lee of the United States at Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera of Puerto Rico ang mga pipili sa magiging successor ni Zozibini Tunzi of South Africa.

 

 

Kasama sa panel of judges sina Canadian television host Keltie Knight, American actress Arden Cho of the series Teen Wolf and entrepreneurs Christine Duffy and Deepica Mutyala.

 

 

Colombian economist Tatyana Orozco and Sheryl Adkins-Green, an American marketing executive, completed the list of the selection committee.

 

 

Sa May 16 (May 17 in Manila) ang coronation night ng Miss Universe in Hollywood, Florida.

 

 

***

 

 

PARTE ng ‘Ballad International’ playlist ng Spotify ang ilang mga kanta nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Kapuso actor Ruru Madrid, bagay na ipinagmamalaki ng kanilang avid fans at listeners.

 

 

Ayon sa Spotify, ang collection na ito ay naglalaman ng “world’s best emotional songs.” Pasok dito ang cover ni Julie Anne ng ‘Your Song’ ng Parokya ni Edgar pati ang single ni Ruru na ‘Maghihintay’ under GMA Music.

 

 

Kilala talaga ang talento ng dalawa kaya naman lagi silang inaabangan tuwing Linggo sa weekend variety show ng GMA na All-Out Sundays. 

 

 

Samantala, kasalukuyan din napapanood si Julie bilang si Heart sa primetime series na Heartful Cafe. 

 

 

***

 

 

MAY maagang regalong natanggap ang The Clash Season 3 champion na si Jessica Villarubin para sa paparating niyang ika-25 na kaarawan.

 

 

Simula noong Sabado, May 8, ay maaari nang ipre-order ang kaniyang upcoming single under GMA Music na ‘Beautiful’ sa iTunes!

 

 

Nakatakda itong i-release sa mismong birthday niya sa May 14 at swak na swak ang mensahe ng awitin para sa mga kababaihan.

 

 

Matatandaan na kamakailan ay nagkaroon ng transformation si Jessica at gusto niyang paalalahanan ang mga katulad niya na dati ay mahiyain at minsan nang na-bully na oras na para pahalagahan at unahin nila ang kanilang mga sarili.

 

 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso performer ang excitement para mapakinggan ng fans ang kaniyang bagong single, “Are you ready, Beautiful? You’re in for a birthday treat this May 14, 2021!”

 

 

Abangan ang musical treat na ito ngayong Biyernes sa YouTube channel ng GMA Music at sa iba pang digital streaming platforms worldwide!  (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Biyahe ng trains sa MRT 3 mababawasan dahil sa COVID-19

    Simula noong  Linggo, July 5  ay mababawasan ang biyahe ng Metro Rail Transit  Line 3 (MRT3)  matapos na mag- positibo ang may 127 na workers ng depot.   Mula sa dating average na 16 hanggang 19 trains na tumatakbo, ito ay magiging 12 trains na lamang dahil ang mga workers ay mababawasan dahil sila ay […]

  • PARTIDO NI BBM NAGLUNSAD NG ‘BEST BET’ STRATEGY PARA SA OFWs

    Nitong Martes, naglunsad ng isang pangmatagalang plano ang partido ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang mapagbuti ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga migranteng Pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.   Iprinisenta ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) International Affairs Committee na pinamumunuan nila Chairperson Ms. Saidah Tabao Pukunum sa pamamagitan […]

  • IATF, pinapayagan na ang paggamit ng antigen test bilang entry requirement sa Pinas

    MAAARI nang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na ang ipakikita lamang ay ang antigen test na gawa ng healthcare professionals.     Ito’y matapos na sang-ayunan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), Miyerkules ng gabi na payagan ang paggamit ng rapid antigen test na gawa […]