• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inabandonang bagong panganak na sanggol, na-rescue sa Malabon

MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang inabandonang bagong panganak na sanggol sa gilid ng kalsada sa Malabon City, Lunes ng umaga.

 

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng umaga nang mapansin ng saksing si Marlyn Amado, 20, Vendor ng Brgy. Potrero ang isang pulang eco bag sa kanto ng Santolan Road at McArthur Highway, Bgry. Potrero.

 

 

Nang kanyang tignan, laking gulat ni Amado nang madiskubre sa loob ang isang bagong panganak na sanggol na buhay pa kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga nagpapatrol tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS1).

 

 

Agad namang dinala ng mga tauhan ng SS1 sa pangunguna ni P/Lt. Benedicto Zafra ang sanggol sa MakatTao Hospital kung saan ito patuloy na inoobserbahan upang tuluyang mailigtas sa panganib ang baby.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang Malabon police sa mabilis na pagtugon, pati na ang babaing nakakita para mailigtas ang sanggol.

 

 

Iniutos na rin ni Col. Baybayan sa kanyang mga tauhan na rebisahin ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang nag-abandona sa sanggol. (Richard Mesa)

Other News
  • Pangakong pagsakay sa Jetski papuntang West Philippine Sea, pure campaign joke-PDu30

    “It was a pure campaign joke.”   Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang sinabi noong 2016 ukol sa pagsakay niya sa jetski para pumunta ng West Philippine Sea at sabihin sa mga Tsinoy na pag-aari ito ng Pilipinas.   Patuloy kasing inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito […]

  • Warriors star Stephen Curry nagtala ng panibagong record sa NBA

    NAGTALA ng kasaysayan sa NBA si Golden State Warriors star Stephen Curry.     Siya ngayon ang pang-29 na manlalaro ng NBA na nakaabot ng 24,000 career points.     Naitala nito ang record sa laban nila ng Phoenix Suns kung saan sa kasamaang palad ay nabigo silang manalo.     Isa lamang ito sa […]

  • Magnitude 7.3 na lindol yumanig sa Japan; tsunami advisory inilabas

    NIYANIG nang malakas ang kabisera ng Tokyo matapos na tamaan ng magnitude 7.3 na lindol ang silangang bahagi ng Japan kagabi na nag-udyok naman ng tsunami advisory para sa ilang bahagi ng northeast coast ng bansa.     Ayon sa Japan Meteorological Agency, sa baybayin ng Fukushima region nakasentro ang lindol na may lalim na […]