Inagurasyon ni Marcos Jr., gagawin sa Ilocos o Maynila- PNP OIC
- Published on June 2, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING idaos ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30 sa Ilocos Region o sa Maynila.
“Yung kay Sir Bongbong naman po, I think it will be either Ilocos or dito po sa area ng Manila,” ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr.
“So we are still finalizing kung saan po yung exact location para po malatag ang ating security measures,” dagdag na pahayag nito.
Ang pamilya Marcos ay mula sa Ilocos Norte.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni incoming Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na wala pang pinal na desisyon kung saan idaraos ang inagurasyon ni Marcos Jr.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Cruz-Angeles na isa ang Quirino Grandstand sa mga lugar na pinagpipilian kung saan gaganapin ang inagurasyon.
“Wala pa po. Of course, as mentioned, tinitignan naman po talaga ang Quirino Grandstand bilang isa sa mga posibleng venue para sa inauguration pero wala pa pong final at wala pa po tayong mga detalye tungkol doon,” pahayag nito.
Dagdag nito, “Pangako ko lang ay, as soon as ma-finalize ang mga plano, ire-release namin sa publiko.”
Nauna nang inihayag ni Senadora Imee Marcos na kabilang din sa mga lugar na maaring gawing venue para sa inagurasyon ng kaniyang kapatid ang Rizal Park at Fort Santiago sa Lungsod ng Maynila. (Daris Jose)
-
Labis na hinangaan sina Justin, Francine at EJ: ‘Nasa Iyo Ang Panalo’ ng Puregold, panalo sa puso ng mga Filipino netizens
NGAYONG 2022, minarkahan ng Puregold ang kanilang ika-25 na taon bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape. Upang gunitain ang makabuluhang okasyong ito, inilabas ng Puregold ang “Nasa Iyo ang Panalo” digital ad series sa iba’t-ibang social media platforms nito, kung saan nakakuha na ito ngayon ng higit 43.1 milyon online views. […]
-
Grupo ng mga magsasaka, ikinalungkot ang umano’y minadaling plano na pagbabawas sa taripa ng bigas
IKINALUNGKOT ng Federation of Free Farmers ang mistulang pagmamadali ng gobyerno na bawasan ang taripa ng mga inaangkat na bigas. Maaalalang unang nagtakda ang Tariff Commission ng online public hearing ngayong araw para dinggin ang petition ng Foundation of Economic Freedom (FEF) na ibaba ang taripa ng bigas mula sa dating 35% patungong […]
-
Magiging busy na uli sa paggawa ng movies at pag-awit… JANNO, nag-sorry sa mga followers dahil sa social at political postings
NAG-SORRY si Janno Gibbs sa kanyang mga followers. Ang dahilan, sa mga nakaraang buwan daw kasi, puro tungkol sa social at political ang mga postings niya. Naging vocal din si Janno noong nakaraang election na ang sinuportahan niya ay si dating VP Leni Robredo. At tumanggap din si Janno […]