Inamin din na first time na bumili ng Lotto ticket… SHARON, okey na kaya nakapag-dinner at nakanood na sa sinehan
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
TAMANG-TAMA lamang ang pagbalik ni Kylie Padilla from her movie shoot of “Unravel” in Switzerland, dahil naka-attend siya ng “GMA Thanksgiving Gala” para sa 72nd Anniversary ng network.
Livestream sa mga social media accounts ng network, inabangan ng mga netizens ang suot ng mga Kapuso stars, Sparkle stars at guests.
Kaya isa nga sa umagaw ng pansin ng mga netizens ang black gown na suot ni Kylie with matching black veil na parang fishnet. Kung may pumuri sa outfit ni Kylie na super ganda at kakaiba, may nagbiro naman na super unique daw ito na bagong face shield para iwas-dengue.
Pero nagpasalamat pa rin si Kylie kay Francis Libiran at sa Estee Lauder PH for her outfits.
Sa pagbalik ni Kylie, back to work na rin sila nina Rayver Cruz at Jak Roberto sa first sports-serye ng GMA-7 na “Bolera.”
“Salamat po sa gabi-gabing pagti-trending ninyo sa aming serye, at sana huwag ninyong i-miss ang aming susunod na episodes, dahil nalalapit na ang finale namin.”
Ang isang aabangan talaga ay ang muling paglaban ng billiards ni Joni, magtagumpay kaya siya o matulad din siya sa namatay niyang ama na dinaya sa laro? Si Cobrador pa rin ba ang sisira na maging champion siya?
Ang “Bolera” ay napapanood 8:50PM after “Lolong” sa GMA-7.
***
TODAY, August 3, ang opening ng pinag-uusapang “Maid in Malacanang” ni Director Darryl Yap na produced ng Viva Films.
Last July 29 ay ginanap ang kanilang premiere night sa SM North EDSA, The Block. Nagtipid ang production na wala silang catering service after the red-carpet premiere, dahil nagdesisyon sila at si Senator Imee Marcos na i-donate na lamang ang gagastusin nila sa catering plus, kasama ang donation mula sa cast, para sa mga nabiktima ng malakas na lindol sa Abra at Ilocos.
Bago kasi ang premiere night, naglibot si Sen. Imee sa Ilocos at nakita niya ang pinsalang inabot ng mga kababayan nila sa lindol.
Ang “Maid in Malacanang” ay mapapanood na nationwide in 200 theaters. Sunud-sunod na rin ang block screenings worldwide sponsored by our OFWs residing sa iba’t ibang bansa.
Ganoon din dito sa Pilipinas, may mga block screenings din na usually ang mga kinita ay ipinag-i-sponsor naman nila sa mga projects nila para sa mga nangangailangan.
***
SALAMAT at sa latest Instagram post, nag-update na si Megastar Sharon Cuneta, na she’s now okey, pagkatapos magkasakit after ng almost one month na nag-perform sila ni Regine Velasquez sa “Iconic: US Concert Tour.”
Dahil halos hindi raw siya makabangon sa kanyang nararamdaman, napilitang iwanan na siya ni Regine na naunang bumalik ng Pilipinas.
Nang makaramdam na siya na bumubuti na ang lagay niya, nagpasya na siyang lumabas ng bahay, kasama ang kanyang team at kumain sila sa restaurant at nanood ng sine.
“The other night was my first time out since I got sick. Megateam and I had dinner at one of my favorite restaurants, Gyu-kaku, then watched “Top Gun Maverick” in the theater!
“I was missing Nana (Regine) the whole time because we had planned on doing these two things together but she had flown home na the night before. Was still feeling a bit weak – til now am not feeling 100% yet – but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice.
“And I bought a Lotto ticket for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers,” dagdag pa ni Sharon.
(NORA V. CALDERON)
-
LTO, target na gawing fully digital ang aplikasyon ng Student Permit at Drivers License
INIHAYAG ng Land Transportation Office na plano nilang gawing fully digital ang aplikasyon sa pagkuha ng mga Student Permit, Driver’s License at renewal. Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, doble effort ang ginagawa ng kanilang ahensya upang matugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. […]
-
‘Triangle of Sadness’ Premieres at QCinema Ahead of Nov. 30 Nationwide Release
TBA Studios is bringing the critically acclaimed satirical dark comedy film Triangle of Sadness to the QCinema International Film Festival 2022, premiered as the festival’s opening film last November 17 at Gateway Cineplex in Quezon City. While the premiere is by invitation, moviegoers can still catch the second screening of Triangle of Sadness […]
-
Idinaan sa UNCLOS anniversary: DFA, binigyang diin ang ‘mapayapang pag-aayos’ sa mga pinagtatalunan, hindi pagkakasundo
SA pagdiriwang ng ika-42 taong anibersaryo ng adopsyon United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), muling pinagtibay ng Department of the Philippines (DFA) ang paniniwala nito sa mapayapang pamamaraan sa pag-aayos ng gusot, at ang rule of law, at rules-based international order. Sa isang kalatas, sinabi ng DFA na ipinapakita […]