• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inamin na di kinaya nang laitin ng Pangulo ang Diyos… SHARON, naging emosyonal ang speech at nabanggit sina BBM at SARA

NAGING madamdamin nga at speech ni Megastar Sharon Cuneta sa naganap na peoples rally nina Sen.  Kiko Pangilinan, at Vice-President Leni Robredo sa Sta. Rosa, Laguna.
       Ayon kay Sharon Cuneta naging kaibigan niya noon at ka-close ang presidential candidate na si  ex-Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
      “Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time.
       “Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya personally.
        “Hindi naman ganoong ka-close. Pero kilala ko sila. I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend.”
        Tungkol naman kay Inday Sara Duterte, “I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian.
       “And Sara has been like my sister. Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections, I hope we can still be friends.”
       Aminado naman si Mega na ang turing niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ay parang tatay na.
Pero hindi niya kinaya nang mapanood ang isang speech na kinakalaban ng Pangulo ang ating Diyos.
         Bulalas ni Sharon, “When Tatay…once I saw on YouTube, he said who is this stupid God? Para akong binuhusan ng kumukulong tubig at meyelong tubig nang sabay. Kasi kapag Diyos na ang kinalaban mo, sino pa ang Diyos mo.”
Tungkol naman sa mga iboboto niyang sa May 9 National Election, “Ang pipiliin ko yung kilala ko na, yung alam ko na. This time ayoko na mabulag, ayoko na namulat na ako.
        “Iba ang pagmamahal. Iba ang pagli-lead ng bansa. Ibang usapan yun, dahil marami akong nakitang gutom. Marami akong nakitang nangangailangan when the pandemic hit us.”
       Para naman sa mga kabataan, lalo yung first time voter.
       “You’re young, you’re smart, you’re woke, you know fake news, you know what’s real. You know how to find out the truth,” sabi ni Mega.
      “It is so easy in this day and age. Do your research. Convince those na hindi pa namumulat ang mata na ito dapat ang gobyerno natin. Ipaglaban natin ito.”
      At sa May 9, wag sayangin ang karapatang bumoto para sa kinabukasan ng ating mahal na Pilipinas.  Vote wisely, ika nga!
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin

    Kapwa nagpaalala ang mga pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Metropolitan Waterworks and Se­werage System (MWSS) sa kanilang mga kon­syumer na kung kakayanin ay unti-untiin na nilang bayaran ang kanilang mga nakonsumong kur­yente at tubig upang hindi magkapatung-patong ang kanilang bayarin.     Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan […]

  • Tulad ng pagsasama nina Anne at Erwann: JASMINE, going strong ang relasyon sa boyfriend na si JEFF

    NANG nakausap namin si Jasmine Curtis-Smith kamakailan, sinabi namin sa kanya na mukhang sila ng ate niya ang sisira sa “sumpa” ng hiwalayan dahil tulad nina Jasmine at boyfriend niyang si Jeff Ortega ay going strong rin ang pagsasama ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff.     “Yes, amen, stop the cycle,” ang tumatawang […]

  • Walang banta sa buhay ni Teves-PBBM

    MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., itinuturong utak umano sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo. ”Same thing. Wala naman kami… sa lahat ng mga sinasabi ni […]