PAGKATAPOS ng kanyang pananahimik, nagsalita na rin si Awra Briguela tungkol sa kinasangkutan niyang gulo noon sa isang bar sa Poblacion, Makati.
 
Ayon sa 20-year-old for child actor, kaya na niyang pag-usapan ang nangyari kaguluhan noon. Nangyari ang pagkuwento ni Awra sa vlog ni Vice Ganda na “My SpaghetTEA with Awra”.
 
Inamin ni Awra na maraming siyang natutunan sa pangyayaring iyon. 
 
“I’m getting better, I’m getting stronger. I owned up to my mistakes. Noong nakulong ako, parang hindi ko pa rin siya ma-realize na nangyayari na sa ‘kin ‘yun.
 
“Kaya after what happened, kahit nakauwi na ako, lugmok na lugmok ako, umiyak na ako, ‘yun ‘yung time na hindi ko na kaya,” sey ni Awra.
 
Napansin nga raw ni Vice na malaki na ang pinagbago ni Awra.
 
“Alam naman nating lahat, ikaw din, na lahat kayo nagkamali. Lahat kayo may sobra at pagkukulang. Inamin mo naman ‘yun,” sey ng ‘It’s Showtime’ host.
 
June last year noong makulong si Awra dahil nasangkot ito sa isang bar brawl sa labas ng The Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City. Na-detain ito sa presinto at nakapagpiyansa the next day.
 
***
 
SA isang iglap, ang bahay na ilang taon na pinagsikapan ni Mura na maitayo sa Ligao, Albay mula sa kanyang pagtatrabaho noon sa showbiz, ay naging abo.
 
Kasamang nasunog ang ilang gamit na regalo ng kanyang namayapang kaibigan na si Mahal.
 
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” hindi naitago ni Mura, o Allan Padua sa tunay na buhay, ang matinding kalungkutan sa sinapit ng kanilang bahay na dalawang palapag.
 
April 27 nang masunog ang kanilang bahay at hindi na naagapan dahil sa malayo ang bumbero sa kanilang lugar.
 
Dahil sa may problema na sa paglalakad si Mura bunga nang tinamong pinsala sa aksidente sa tricycle noong 2010, halos wala na silang naisalbang gamit.
 
“Sa tagal mong nagtrabaho, pinaghirapan mo rin ito, hindi mo alam ganito rin lang mangyayari ulit. Kasi pangatlong sunog namin ito. Nakakalungkot lang kasi bigla rin siyang nawala. Hindi ko alam, iyon ang masakit.

“Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Bakit kasi ito nangyayari sa amin. Kung puwede lang magpahinga na rin lang ako… tuloy-tuloy na yung pagpahinga ng buhay ko rin,” sabi pa niya.
 
Pansamantalang nakatira ngayon sina Mura at ang kanyang ama sa kanilang tiyahin sa Ligao din.
 
Sa kabila ng nangyari, ayaw ni Mura na maghanap ng sisisihin sa nangyaring aksidente.

(RUEL J. MENDOZA)