Inamin ng manager na malaki ang utang na loob sa aktres: LIZA, lumipat na sa management ni JAMES at tanggap ni OGIE
- Published on May 28, 2022
- by @peoplesbalita
NAKALULUNGKOT na malamang lumipat na pala ng management si Liza Soberano na hawak for 11 years ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz.
Lumabas kasi ang bali-balita nang makitang kasa-kasama ni James Reid sa Gold Gala sa Los Angeles si Liza.
Kinumpirma na nga ni Ogie na hindi na siya ang magma-manage ng girlfriend ni Enrique Gil simula sa June 1, dahil sa May 31 pa ito magtatapos.
“Marami na ang nag-approach sa akin. Marami na rin ang tumatawag sa akin kung si Liza ba under my management pa rin at pag may nag-i-inquire sa akin ay ipinapasa ko sa iba,” sabi ni Ogie.
Tanggap naman ito ni Ogie ang naging desisyon ni Liza at susuportahan nito ang dating alaga at isi-save ang kanilang friendship na higit nang isang dekada.
“Hindi doon nagtatapos ang relasyon dahil lagi ko ring sinasabi yan kay Liza na hindi mo dapat pinuputol ‘yung tulay. Kasama don sa kanyang mensahe na gusto niyang mag-try sa Hollywood,” pahayag pa ni Ogie.
Dagdag pa ng talent manager na wala namang sama ng loob kay Liza, “Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki dahil ‘yung mga kinita ko sa kanya, doon din naman ako humugot para mabuhay yung anak ko na si Miracle.
“Yun man lang maisip ko para wala kang itatanim na sama ng loob sa bata, wala kang bitbit, wala kang kargo sa loob mo kasi doon man lang, timing na timing ang pagdating ni Liza sa buhay ko.”
Reaction naman ng netizens:
“Dios mio liza.. di ka ba nag isip. Di nga niya mapakilala sarili niya dun ikaw pa kaya.. for sure alam na. Ilalako ka nila.”
“True. Hope she improves her acting skills rin. Below average lang kasi yung mga loveteam-based na acting sa local showbiz.”
“Ang worry ko lang dito, mas si ogie kasi ang kaya kumonnect sa masa. Mas pang masa si ogie. Unless ibang market ang gusto ni liza mas parang kay nadine.”
“My GOSH! ito ang diko ini expect.Ganun na ba kalaki at ka-established ang management ni james para dun sya lumipat, lalo na jan sa Hollywood dream nya gagastusan ka jan ng todo, walang assurance kung mag succed si liza jan at magtagal mas ok sana kung tinanggap na nila offer ng gma 7!”
“She’s not progressing much. And Star Magic is practically defunct with ABS CBN. It is the best time to move and look for other options. Though idk if James is the right manager.”
“Wala ng big star na alaga si ogie! Masakit ito for him!”
“Parang hindi ito good move. Hellur matagal na laos si James at wala naman siyang alam sa managing. Eh walang nangyari sa mga talents niya under his music label!”
“Hindi lang naman si James, may iba pa siyang business partners na malamang may connections sa Hollywood. Sa tingin mo ba hindi alam yan ni Liza?”
“The new management might have connections but it looks like they don’t know how to manage talent. If they did, Liza & James would have been mingling with other artists in the Gold Gala for networking. They would have made sure that both were in the Filipino group picture at the event. Instead, they kept Liza & James within just their group.”
“I wish Liza Soberano the best, really. Leaving Ogie’s camp is a tough decision to make.”
“Mas ok kung tanggapin na nya offer sa gma 7! Naku liza mag isip isip ka! Sure ka bang kaya ka pasikatin ng james reid LOL.”
“Since she wants to widen her reach, it is expected to drop her ex manager. I’m not sure if James is perfect for the job, BUT THIS IS EXCITING. James is an amazing visionary, but is he a good executor? Let’s see!”
“Mukhang ayaw na ni Liza maging artista sa Pinas. It is either investor sya sa business ni James kaya sya lumipat or settled na sya sa life kasi hindi na sya nagrenew sa kaf eh maski may offer. Totoo nman cgro yang pinagsasabi ni Ogie. 😁
“Maybe James’ management is open to new connections. Malay niyo naman baka mahagip nyo na si Liza sa GMA one of these days.”
“Hopefully she’ll make it sa Hollywood. Good luck!”
(ROHN ROMULO)
-
Spurs star Wembanyama nagtala ng record sa NBA
NAGTALA ng record sa kasaysayan ng NBA si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama. Siya lamang kasi ang pang-apat na pinakabatang manlalaro ng NBA na nagtala ng 50 points sa isang laro. Naitala nito ang nasabing puntos sa panalo ng Spurs kontra Washington Wizards 139-130. Sa edad nitong 20-anyos […]
-
DOH, nagsimula nang mamahagi ng bivalent Covid-19 vaccines
NAGSIMULA na ang Department of Health (DOH) na mamahagi ng 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa. “So, dumating na iyong 390,000 doses of bivalent Covid-19 vaccines which came from COVAX. So, it’s a donation, hindi ito prinocure, and as of this moment, as we speak, I think […]
-
Guarantee Letter ng DSWD, suspendido mula Disyembre 7
SUSPENDIDO pansamantala ang pagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Guarantee Letter simula Disyembre 7 hanggang 31, 2023 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng DSWD sa buong bansa. Ayon kay DSWD Asst Sectretary Romel Lopez, ang hakbang ay upang bigyang-daan ang annual […]