• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaming may insecurity na pilit niyang itinatago: BEAUTY, nakararanas pa rin ng anxiety na nauuwi sa panic attacks

INAMIN ni Beauty Gonzalez sa isang vlog na meron siyang insecurity sa kanyang sarili na pilit niyang itinatago sa maraming tao.

 

 

Kung inakala raw ng marami na confident siya sa lahat ng bagay, hindi raw totoo iyon dahil madalas daw siyang makaranas ng anxiety na nauuwi sa pagkakaroon ng panic attacks.

 

 

Puwede raw ma-trigger ang panick attack niya anytime, lalo na raw kung bigla siyang ma-stress dahil sa kahit na anong negative or positive na comment sa kanya.

 

 

“Ang daming puwedeng triggers, it could be social media, minsan even our family, relatives and events. Minsan even positive comments like, when people start calling me beautiful, I actually think it’s not true and I actually feel insecure. It’s like psychological warfare, it’s really not easy, it’s an everyday thing you tackle. You are not aware that these feelings exist,” diin ni Beauty.

 

 

Ang mental sickness daw na nararamdaman ni Beauty ay tinatawag na “imposter syndrome”. Ayon sa healthline.com ang Imposter syndrome a.k.a. perceived fraudulence “involves feelings of self-doubt and personal incompetence that persist despite your education, experience, and accomplishments.”

 

 

Sey ni Beauty: “Sometimes you feel you don’t belong where you are, you just got there because of pure luck. Lahat talaga umaatake sa ‘yo. It’s not easy indeed. You have to constantly be aware of those feelings, acknowledge and accept that such feelings are happening and that we also have the power to change those feelings into happy and positive ones.”

 

 

Para malagpasan daw ni Beauty ang pakiramdam na ito, lagi niyang pinapaalala sa sarili “to love herself more.”

 

 

“What I do is spend more time with the people I love, the people that make me laugh hard. Think about the things you’re grateful for. It’s also important to celebrate your achievements. If you feel like it’s parang insignificant, you should still celebrate all of your achievements even the smallest thing lang. 

 

 

“Also, smile. I know it’s hard but try to smile, try to dance, try to play your favorite song, hug people that you love, and keep busy, keep moving. For me talaga, you listen and talk to yourself like you would talk to a child. You handle yourself with care and be gentle with yourself. Slowly, you would feel na nag-disappear na ‘yung insecurities mo.

 

 

“It changed my world talaga. For me kasi, self-love is infectious. Nakakahawa talaga. People will naturally be drawn to you because they will also feel the love towards you. You also get to be more productive kasi ang gaan ng feeling mo. And when you’re happy, the whole world changes on you. Iba na talaga yung paningin mo. You become more daring kapag masaya ka. If you just really believe in yourself, it will just glow.”

 

 

Malapit nang mapanood ulit si Beauty sa upcoming series The Fake Life on GMA Afternoon Prime.

 

 

***

 

 

DAHIL tapos na ang taping ni Kris Bernal ng Artikulo 247, nasa plano na nila ng kanyang mister na si Perry Choi ang makabuo ng baby.

 

 

Sobra raw napagod si Kris sa kanyang role bilang si Claire/Carmen sa Artikulo 247 at right timing daw ang pagplano nila ng one month honeymoon ni Perry.

 

 

 

“Gusto muna namin mag-honeymoon talaga since hindi naman nangyari after the wedding. Magbabakasyon kami for a month in June. After that, susubukan na namin magkaroon ng baby,” sey ni Kris.

 

 

Kinasal noong September 25, 2021 sina Kris at Perry. Agad na sumalang sa lock-in taping si Kris ng dalawang buwan kaya babawi raw siya sa kanyang mister sa honeymoon nila, na hopefully, makabuo sila ng baby ngayong taon.

 

 

Bukod sa pagplano ng honeymoon, inaasikaso muna ng mag-asawa ang kanilang restaurant business.

 

 

“May restaurant kami, bago, na parang international buffet. Kabubukas lang. Nag-o-offer kami ng unlimited grill. Parang Asian grill siya, ganoon ‘yung concept,” sey ni Kris na sa ganitong negosyo niya nakilala ang mister.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Quarantine classification ng NCR Plus, pagpupulungan bukas ng IATF

    NAKATAKDANG magpulong ngayong araw ng Biyernes, Marso 10 ang Inter-Agency Task Force para pag-usapan kung palalawigin pa ba ang Enhanced Community Quarantine o hindi na.   Magtatapos na kasi sa Abril 11 ang one week extension ng ECQ.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isa ang quarantine classification sa nabuong dapat na mapag- usapan […]

  • LIQUOR BAN MULING IPINATUPAD SA NAVOTAS

    Nagpasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng City Ordinance No. 2021-18 na muling ipinagbabawal ang alak at pagbebenta ng alak at mga inuming nakalalasing sa lungsod.     Labag din sa batas ang pagdala ng alak, pag-inom ng naturang inumin at gumala ng lasing sa anumang mga pampublikong lugar sa lungsod.     “Safety protocols […]

  • Nangakong gagawa na ng teleserye… MARIAN, inaming gusto pa rin nila ni DINGDONG na magkaanak pa

    AFTER ng first wedding ni Kapuso Drama Royalty na si Glaiza de Castro sa husband niyang si David Rainey, a businessman from Northern Ireland last October 12, 2021, muli silang ikinasal this time dito naman sa Pilipinas.       Iyon kasi ang kasunduan nila, na mauuna silang ikasal sa Ireland, bago ganapin ang wedding naman […]