• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inanunsyo ng mga top US officials … US magbibigay ng $500-M sa PH para sa AFP modernization program at PCG

INANUNSIYO ng mga top US officials na ang Washington DC ay maglalaan ng tulong na nagkakahalaga ng USD500 milyon (humigit-kumulang PHP29.3 bilyon) para tumulong sa kasalukuyang programa ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG).

 

 

 

Ginawa nina US Secretary of State Antony Blinken at Department of Defense Secretary Lloyd Austin III ang anunsyo sa ginanap na 2 + 2 Ministerial Meeting kasama ang kanilang mga counterpart sa Pilipinas na sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.,

 

 

Ang 2+2 meeting ay ginanap kanina sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

 

 

” We’re now allocating an additional USD500 million in foreign military financing (FMF) to the Philippines to boost security collaboration with our oldest treaty ally in the region,” pahayag ni Blinken.

 

 

“Ayon kay Blinken ang nasabing grant ay panibagong hakbang para palakasin pa ang alyansa ng Pilipinas at US at maituturing na once-in-a generation investment para tulungan ang modernization program ng AFP at PCG.

 

 

“Samantala, inihayag naman ni US Defense Secretary Lloyd Austin nakikipag-ugnayan ngayon ang US sa Pilipinas para makamit ang isang Malaya at bukas na Indo-Pacific.

 

 

” And together we are taking bold steps to strengthen our alliance. Today, as you heard Secretary Blinken and I announced that we are poised to deliver a once-in-generation investment to help modernize the AFP and the PCG,” pahayag ni Austin.

 

 

 

(Daris Jose)

Other News
  • SEC desidido nang ipasara Rappler Inc.; news outlet aapela

    DESIDIDO ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ipatupad ang 2018 decision nito na ipasara ang media company na Rappler Inc., bagay na pumutok ilang araw bago matapos ang termino ni President Rodrigo Duterte.     Kinatigan ng SEC ang nauna nitong utos, eksakto isang linggo matapos ibalitang ipina-block ng gobyerno sa sites ng news […]

  • Hepe ng pulisya, kulong sa pakikipagsiping sa 2 babaeng preso

    KULONG ang sinapit ng isang hepe sa lalawigan ng Cebu dahil sa pakikipagsiping at pagpapatulog nito sa dalawang inmate sa kanyang kuwarto.   Inaresto ang hepe ng Argao Municipal Police Station na si Police Chief Insp. Ildefonso Viñalon Miranda Jr. matapos ireklamo umano ito na nagpapasok ng babaeng preso sa kanyang opisina.   Natuklasan sa […]

  • Kabastusan sa mga jeep at tricycles, iayos a rin!

    MAY isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumabiyahe.   Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep. Gaya […]