• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inbound, outbound mails delay muna – PHLPost

BUNSOD ng ng mga kaso ng Corona Virus Disease o COVID-19, maaantala ang lahat ng inbound at outbound mails o mga sulat mula sa iba’t ibang bansa.

 

Ito ang abiso ng Philippine Postal Corporation o PHLPost sa publiko na naghihintay ng kanilang mga koryo.
Partikular na apektado ang mga sulat mula at patungong Mainland China, Hong Kong at Macau, ayon sa PHLPost
Ang delays ayon pa sa PHLPost ay upang maiwasan ang pagkalat o paglawak pa ng COVID-19.

 

Maliban dito ay suspendido rin ang serbisyo ng gobyerno sa mga apektadong lugar na nakaka-dagdag sa delays sa lahat ng inbound at outbound mails.

 

Humingi na rin ng paumanhin at umaasa naman ang PHLPost sa publiko na maunawaan ang nangyayaring sitwasyon dahil sa naturang virus.

 

Bagamat millenials na ngayon at napapanahon na ang teknolohiya, marami pa rin ang nagapapadala ng sulat at pakete sa pamamagitan PHLPost.

 

Nagpapasalamat naman ang PHLPost sa publiko dahil sa patuloy na pagtingkilik sa tradisyunal na pagpapadala ng mensahe sa kanilang mahal sa buhay kahit pa mayroon nang social media. (Gene Adsuara)

Other News
  • QC nasa state of calamity

    ISINAILALIM na ang Quezon City sa State of Calamity sa kalagitnaan ng Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Sa isang public address, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na “it has to be done” para magamit ng siyudad ang quick response funds nito na makatutulong sa […]

  • Kahit may namba-bash at nauumay na: MARIAN, tuloy lang sa paggawa ng dance videos na may million views

    DAHIL sa bonggang-bongga na reaksyon ng netizens, tinuloy-tuloy na ni Kapuso Primetime Queen Marian ang paggawa ng dance videos sa TikTok.   Ang una niyang dance video na kung saan sinayaw niyang 2011 hit song ni Jessie J. na “Price Tag” ay nakakuha ng milyung-milyong views. Nasundan pa ito ng tatlong dance videos, kaya umabot […]

  • PWDs isasama na sa cash-for-work ng DSWD

    ISASAMA  na ng Department of Social Welfare and Development ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Cash-For-Work program ng DSWD, ayon kay Secretary Erwin Tulfo.     “Simula po ngayon kayo ay kasama na diyan sa tinatawag na Cash-For-Work program ng DSWD sa inyo pong komunidad,” ani Tulfo sa ginanap na “BUHAYnihan” sa Pilillam, Rizal […]