Incentives Trust Fund, itinatag ng POC sa mga atleta
- Published on February 21, 2020
- by @peoplesbalita
SA hangarin na lalo pang humusay ang mga atletang Pinoy sa larangan ng sports, nagsagawa ang Philippine Olympic Committee (POC), sa pangunguna ng pangulo nitong si Abraham Tolentino, ng incentive plan para sa mga medalist ng bansa sa mga international multi-sports tournaments.
At sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lokal na Olympic body, sinabi ni Tolentino na itinatag nito ang isang Athletes Incentives Trust Fund (AITF) na nagkakaisang inaprubahan sa ginanap na POC executive board meeting.
“It will give our athletes something to look forward to when they compete in international multi-sport events,” sabi ni Tolentino.
Subalit ang AITF ay nakatutok lamang sa pagbibigay ng pondo sa mga medal winners sa Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games ayon sa PhilCycling chief.
“We will raise funding through the help of the private sector. We will be transparent with our sponsors, they will know that any financial aid will be intended purely for the trust fund,’’ sabi pa ni Tolentino.
Nagkaloob ang POC ng cash bonuses sa 149 gold medalists sa 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas at nagbigay din ito ng mga insentibo sa 117 silver at 121 bronze medal winners.
Ito ay hiwalay sa cash incentives na ibinibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) base sa batas kung saan ang mga gold-medal winners ay tatanggap ng P300,000 habang ang silver at bronze medal winners ay makatatanggap ng P150,000 at P60,000.
Maliban sa mga benepisyong pinansyal mula sa PSC at POC, nagbigay din ang Pangulong Rodrigo Duterte ng insentibo sa mga SEA Games medalists. (Ara Romero)
-
IATF, aprubado ang retroactive application ng testing, quarantine protocols para sa int’l arrivals
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang retroactive application ng testing at quarantine protocols para sa mga international travelers. Sa isang kalatas, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na inaprubahan ng IATF ang retroactive application ng Resolution 157, na ipinasa , araw ng Huwebes. […]
-
Mga politikong ginagamit ang ‘TUPAD’ sa kampanya, tukuyin – DOLE
Hinikayat kahapon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III si Senador Panfilo Lacson na ibigay sa kanila ang pangalan ng mga politiko na sinabi niyang gumagamit sa TUPAD program para pilitin ang mga benepisyaryo na lumahok sa kanilang mga caravan. “As soon as Sen. Lacson can give me the […]
-
Maraming pinagdaanan, at masuwerteng nakuha ang korona: MICHELLE, nagdalawang-isip pa sa muling pagsali sa ‘Miss Universe Philippines’
NAGING challenge sa newly-crowned Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang naging preparation niya para sa pageant dahil marami raw nangyari sa buhay niya emotionally and physically. “Approaching the competition, I was running on 1-2 hours of sleep every day. Miss Universe is the most bardagulan pageant, in my opinion. “You have to […]