• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!

HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam.

 

 

“Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo pero walang mangyayari sa pangarap nating inaasam-asam. Anong mgagawa nating lahat? Kailangan masigurado natin na maprotektahan ang ating pagsuporta, protektahan natin ang ating kandidato, protektahan natin si BBM,” ito ang naging pahayag ni Inday Sara sa kanyang talumpati sa Tagum City sa okasyon ng ceremonial kickoff ng BBM-Sara Uniteam nationwide synchronize unity ride.

 

 

Sinabi ni Inday Sara na tiwala siya na ang mga karanasan ni Bongbong na nagsilbi bilang gobernador, kongresista at senador ang mga mapaghuhugutan niya para sa pagsisilbi bilang pangulo ng Pilipinas.

 

 

“Bakit si Bongbong Marcos ang pinili ko na makapartner? Unang-una he is a former governor, hindi natin maitatanggi o kailangan pagtalunan ‘yung karanasan niya bilang governor, parang ako, local chief executive, pangawala, meron din siyang experience sa House of Representatives naging congressman siya at naging senador siya, pinili niyo at binoto niyo kaya naniniwala ako na . . .  I confidently believe na ‘yung mga karanasan niya bilang governor, congressman at senador ‘yan ang tutulong sa kanya para magawa niya ang trabaho sa pagkapangulo ng Pilipinas,” pahayag pa ng alkalde ng Davao City.

 

 

“Often times in life we find ourselves to be the leader, but sometimes in our lives, we need to stand behind another leader,” sabi pa ni Inday Sara

 

 

Si Bongbong at Sara ay patuloy na nangunguna sa lahat ng pormal (methodological) at “random, real-time man on the street” presidential at vice presidential preferential survey sa buong bansa.

 

 

Samantala, sa nasabing okasyon ibinida naman ni Bongbong na ang “BBM-Sara Uniteam” nationwide synchronized caravan ay isang “positively-charged, voluntary mass action” para sa pambansang pagkakaisa, kapayapaan at progreso.

 

 

“Napagtagumpayan ng Pilipino ang digmaan, ang mga bagyo, ang mga sakuna, ang mga krisis dahil sa pagkakaisa,” pahayag ni Marcos. “Mapagtatagumpayan natin ang pandemya sa pamamagitan ng pagkakaisang ‘yan na likas sa atin. Sama-samang babangong muli ang mga Pilipino!”

 

 

Bukod sa Davao City, Tagum City at Davao del Norte, milyon-milyong supporter ng BBM-Sara Uniteam ay nakilahok din sa “unity ride” sa may 15 lalawigan at 30 mga siyudad sa Mindanao, Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila hanggang Abra at Northern Luzon.

Other News
  • JOMARI, suportado ang pag-aartista ni ANDRE pati na ang hilig sa car racing; gusto nila ni ABBY na magka-baby

    SUPORTADO ni Konsehal Jomari Yllana ang anak nila ni Aiko Melendez na si Andre Yllana na ngayon ay isa ng contract star ng Viva Artists Agency at kasalukuyang napapanood sa rom-com series ng TV5 na Di Na Muli sa bida sina Julia Barretto, Marco Gallo at Marco Gumabao.     Kuwento nang muling tumatakbo bilang […]

  • Exclusive interview, ia-upload before election… VICE GANDA, tinawag na susunod na Pangulo si VP LENI

    ANG mga hari at reyna pa rin talaga ng Kapuso network ang unang nagpapabalik ng face-to-face presscon ng GMA Networks.            Ang bagong sitcom at magsisilbing comeback ni Marian Rivera at the same time, comeback din ng team-up nila ni Dingdong na “Jose & Maria’s Bonggang Villa” ang unang f2f presscon […]

  • Pinatigil ang project na ipo-produce at idi-direk: CHANNING TATUM, na-depress nang ‘di natuloy ang pagbibidahang Marvel film na ‘Gambit’

    NAGPAPASALAMAT ang Prima Donnas star na si Sofia Pablo sa kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay dahil naging acting coach niya ito sa ginawa nilang music video na “Everybody Hurts” na inawit nila Julie Anne San Jose at Christian Bautista.     For the first time daw ay naging serious sila ni Allen sa paggawa […]