INDIAN CREW MEMBER, TINULUNGAN NG PCG
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
KINAKAILANGAN na idi-embark at tulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Indian crew member ng bulk carrier mula sa isang international vessel matapos maaksidente habang naglalayag sa katubigan ng Pilipinas.
Ayon sa PCG, nagsagawa ang coast guard ng medical evaluation sa MV Formento Two sa may 8.3 nautical miles southeast ng Virac ,Catanduanes kahapon dahil sa tinamong severe injury at labis na pagdurugo ng daliri ng isang bosun crew.
Ang nasabing barko ay isang Singaporean-registered bulk carrier, na umalis sa Baoshan Port sa China, patungong Port Hedland sa Australia, nang mangyari ang insidente.
Agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa kapitan ng barko at local agent upang magsagawa ng medical evacuation sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Inabisuhan din ng local agent ang Bureau of Immigration (BOI) at Bureau of Customs (BOC) tungkol sa medical evacuation.
Pagdating sa Virac Port, dinala ang sugatan Indian crew sa Catanduanes Doctors Hospital kung saan ito sumailalim sa operasyon. GENE ADSUARA
-
Number coding suspendido sa Biyernes
INANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding sa darating na Biyernes, dahil sa obserbasyon sa Eid’l Fitr o Piyesta ng Ramadan. Ito ay bilang pagsunod sa inilabas na Proclamation No. 201 ng Malacañang na nagdedeklara sa Abril 21 bilang regular holiday dahil sa Ramadan. Naglabas na […]
-
PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan
“THE heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny.” Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa idinaos na ika-125 na anibersaryo ng Philippine Independence […]
-
Malabon LGU naglunsad ng job fair para sa mga benepisyaryo ng 4Ps
NAGLUNSAD ng job fair ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps kahapon, Martes. Ito ay pinangunahan ng Malabon Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Department (DSWD) na layong magbigay ng bagong oportunidad sa 4Ps beneficiaries. […]