Inflation nitong Oktubre bahagyang bumilis — PSA
- Published on November 7, 2024
- by @peoplesbalita
BAHAGYA pang bumilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre ngayong taon.
Sa ulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala sa antas na 2.3 percent ang headline inflation sa bansa nitong Oktubre na mas mataas kumpara sa 1.9 percent inflation rate noong Setyembre.
Pasok ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2 percent hanggang 2.8 percent.
Ang average inflation mula Enero hanggang Oktubre ay nasa 3.3 percent.
Ayon sa PSA, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng antas ng inflation ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages.
Nakaambag din sa inflation ang pagtaas ng renta sa bahay; LPG; at bayad sa suplay ng tubig gayundin ang restaurants and accommodation services na may 3.9 percent inflation
Sa NCR naman, bumagal sa 1.4% ang inflation mula sa 1.7# noong Setyembre dahil sa pagbagsak ng presyo ng kuryente at LPG.
-
Ads July 29, 2024
-
Australian tennis star Nick Kyrgios nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios. Sa kanyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling. Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17. Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin […]
-
Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang
DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang. Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community. Makikitang nagkaroon […]