Inflation rate umariba sa 6.4% nitong Hulyo
- Published on August 6, 2022
- by @peoplesbalita
NANANATILING mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong nakaraang buwan, ito kasabay ng pagtaas ng self-rated poverty ng mga Pilipino sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
“The Philippine’s annual headline inflation continued its uptrend as it moved up further to 6.4 percent in July 2022, from 6.1 percent in June 2022,” ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), Biyernes.
“This is the highest recorded inflation since October 2018.”
Mas mataas ito kumpara sa 6.1% inflation rate nitong Hunyo, bagay na una nang kwinestyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dahil dito, aabot na sa 4.7% ang average inflation mula Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan.
Ang pangunahing dahilan ng pagtaas na ito ay ang annual higher growth rate sa index ng food and non-alcoholic beverages sa 6.9%, mula 6.0% noong nakaraang buwan.
Sumunod diyan ang transport index sa 18.1% annual growth, mas mataas kumpara sa 16.1% nitong Hunyo.
Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng 48% self-rated poverty sa mga pamilyang Pilipino sa nakaraang SWS survey nitong Hunyo.
“At the national level, food inflation increased further to 7.1 percent in July 2022, from 6.4 percent in June 2022. Food inflation was lower in July 2021 at 4.2 percent,” sabi pa ng PSA. Matatandaang sinabi ni Marcos Jr. sa kanyang nakaraang State of the Nation Address na layon niyang pababain ang poverty rate sa single-digit o 9%.
Mayo lang nang tumalon sa 6% (katumbas ng 2.9 milyong katao) ang unemployment rate sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
Pelicans naitabla ang serye vs Suns, matapos magtamo ng injury si Booker
NASILAT ng New Orleans Pelicans ang top team na Phoenix Suns sa iskor na 125-114, kaugnay sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs sa Western Conference. Dahil dito tabla na ang best-of-seven series sa tig-isang panalo. Naging daan sa panalo ng Pelicans ang all-around performance ni Brandon Ingram na may […]
-
MTPB TRAFFIC ENFORCER NAKIPAGHABULAN SA MGA SNATCHER, 2 MENOR DE EDAD ARESTADO
NAARESTO ng isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang dalawang menor de edad na nang-agaw ng cellphone sa isang senior citizen na naglalakad sa Tondo, Maynila. Hawak ngayon ng Manila Social Welafre and Development ang naarestong suspek na ang isa ay nasa edad 15 at ang isa ay nasa […]
-
Mahigit sa 1.3 milyong katao, apektado ng Carina, Butchoy – NDRRMC
TINATAYANG umabot na sa 1.3 milyong katao sa buong bansa ang naapektuhan ng mga bagyong Carina at Butchoy na tumama sa bansa. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na 1,319,467 katao o 299,344 pamilya ang naapektuhan ng mga nasabing bagyo. Sa mga naapektuhan, […]