• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Influencers hinikayat: ‘Wag i-endorso iligal na online gambling sites

PANAWAGAN  ng isang grupo na itigil ng mga online influencers ang kanilang pag-endorso sa mga iligal na online gambling sites.

 

 

Binanggit ng Digital Pinoys, isang grupo ng mga digital advocates, na dapat mas isipin ng mga online influencers ang mapahamak na epekto ng unregulated gambling operators sa mga nagiging biktima nito.

 

 

“Social media influencers should stop engaging with unregistered online gambling sites as their endorsement creates more victims,” sabi ni Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys.

 

 

“They should be aware that it is their endorsement that helps create the situation for people to be duped by these illegal sites.”

 

 

Binanggit din ni Gustilo na makakatulong ang mga influencers kung kanilang ire-report sa gobyerno ang kanilang mga contacts sa mga naturang gambling sites.

 

 

“By disclosing their contacts working with illegal gambling sites, social media influencers will be giving the campaign against the illegal activities of online gambling site operators a big boost,” sabi ni Gustilo.

 

 

Liban sa pagpapatakbo nang walang permit, sinasabing may kaugnay ang mga ilegal gambling sites na ito sa mga ilang insidente ng mga kahina-hinalang transaksyon sa mga e-wallet at online banking accounts.

 

 

Tinukoy ng Digital Pinoys ang mga influencers at Facebook pages na nag-eendorso ng mga nasabing pasugalan:

Sierra shots

Choco Moto

Chief Kratos

Ginebra Ars

Team Bulugoy TV

Papa Ace Cebu

John Vincent Official

Tanleytv

Bitoy TV

Soriaga9272

Ginebra Ako memes

UAAP – NCAA memes

CLX basketball PH

Nasaktan basketball association

Basketball nation

 

 

Kaugnay ng kanilang panawagan sa National Telecommunications Commission na i-block ang mga gabling sites na ito sa bansa, ipinanawagan din ng grupo sa gobyerno na makipagtulungan sa mga networks kung saan matatagpuan ang naturang mga website.

 

 

“More than 90% of blocked illegal gambling websites were hosted by Cloudflare, Amazon and Microsoft,” sabi ni Gustilo.

 

 

“If the government will be able to make these hosting providers cooperate, the campaign against illegal gambling sites will be given a huge boost.”

 

 

Disyembre 2022 lang nang magbabala ang PAGCOR sa mga illegal gambling sites at mga parokyano nito. Aniya, krimen ang pagtaya sa ganitong sites at siyang nagkakait ng bilyun-bilyong pondo sa mga priority programs ng gobyerno.

 

 

Paliwanag nila, meron namang mga website ng online-based gaming gaya ngElectronic games (E-Games) at Electronic bingo games (E-Bingo) na mayroong permit mula sa PAGCOR ay makikita ang listahan ng mga ito sa kanilang opisyal na website.

 

 

Dagdag pa nila, matitiyak na kasiya-siya at ligtas ang paglalaro sa mga lisensyadong pasugalan. Maiiwasan daw dito ang mga modus gaya ng identify theft at credit card fraud.

Other News
  • AFTER “DUNKIRK,” HARRY STYLES TAKES THE LEAD IN “DON’T WORRY DARLING”

    WHEN Harry Styles had his first musical fame, he could have made a smooth transition into Hollywood leading man roles.     But he’s never had any interest in doing things the easy way. Instead, he made his film debut as a character actor, with a supporting role in 2017’s “Dunkirk,” the Oscar-nominated World War […]

  • Nicanor hahabol sa 32nd Summer Olympic Games

    MAY anim na eskrimador, sa pangunguna ni 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’sindividual sabre gold medalist Jynlyn Nicanor ang balak paeskrimahin ni Philippine Fencing Association Inc. (PFAI) President Richard Gomez sa Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa Abril 15-22 sa Seoul, South Korea.     Sa pangangalaga ni coach Rolando Canlas Jr., ang iba […]

  • Timothee Chalamet, open na sa naging relasyon nila ni Lily-Rose Depp

    NAGING open ang Hollywood actor na si Timothee Chalamet sa naging relasyon nila noon ng anak ni Johnny Depp na si Lily-Rose Depp.   Nag-viral last year ang photo nila na naghahalikan sa isang boat in Capri. Never daw nag-comment ang dalawa sa nag-viral na photo hanggang sa nabalitaan na lang na naghiwalay sila noong […]