• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ini-endorse na sangria, may non-alcoholic na: MOIRA, inalala ang nakatutuwang eksena nang malasing sila ni KZ

ANG mahusay na singer-songwriter na kilala sa kanyang heartfelt lyrics ang napiling first brand ambassador ng Maria Clara Sangria – ang leading sangria brand sa Pilipinas.

 

Ini-launch din ang non-alcoholic version na Maria Clara Virgin Sangria, na masarap pang-chill-chill lang at hindi nakalalasing.

 

Lumikha rin si Moira ng anthem na “Maria Clara,” isang full-length song bagong jingle ng brand.

 

Sa pamamagitan ng kanyang malumanay na tinig, maikakalat ang positibong mensahe ng self-love, ano man ang sitwasyon.

 

Sinasabi ng “Maria Clara” sa lahat na kung minsan, okay lang na hindi maging okay, ngunit hindi kailangang magmadali at siguradong lahat ay magiging maayos.

 

Sa launching na naganap noong Huwebes, Sept. 14, inamin ni Moira na mabilis siyang malasing, dahil hindi naman siya pala-inom. Sa katunayan, naka-tatlong baso lang ng Maria Clara Sangria, dahil wala pa ang ini-endorse nila na ‘virgin’ variant, ay tipsy na siya at “nag-i-speech” na, ayon ito sa mismo sa ka-bandmates.

 

 

May nakatutuwa siyang ibinahagi nang minsan malasing siya sa ibang bansa. Nangyari daw ito four years ago, nang mag-‘ASAP’ sila sa Rome, Italy at nagkayayaan silang mag-inuman ng kaibigan na si KZ Tandingan.

 

“Sabi ko kay KZ, ‘Ako bahala sa ‘yo, aalagaan kita, inom tayo.’ Ang ending po, siya ang nag-alaga sa akin,” pagbabahagi ni Moira sa kanyang karanasan.

 

 

“Tapos po, hinila kami nina Kuya Zanjoe (Marudo), ng KathNiel, ni Ate Dimples (Romana), ni Ms. Jodi Sta. Maria, naglakad po kami sa outskirts ng Rome after ng show,” dagdag kuwento pa niya.

 

“Kaladkarin lang po kami ni KZ. Tapos, nakahanap po kami ng resto, umorder po kami. Ang mahal pa po ng inorder namin ni KZ. Umorder kami ng t-bone steak at pasta, tapos nu’ng dumating ‘yung bill, nagtinginan kami. ‘Wala tayong dalang pera.’

 

 

“So, hindi po kami nagbayad, si Kuya Zanjoe po ang nagbayad.”

 

 

Samantala, humanized na ang leading brand sa pamamagitan ng “Maria Clara.” Dito makikita na isang steady companion ang produkto at isa rin itong mabuting kaibigan sa panahon ng pangangailangan. Ayon sa songwriter,
“It’s basically a friend for all seasons. And so, ‘Maria Clara’ is a reminder of where you’ve been and where you’re going and who you are as a woman.”

 

Dagdag pa ni Moira na nais niyang mag-focus sa epekto ng Maria Clara sa buhay ng mga tao, “It’s been a friend. It’s helped ease loneliness, it has helped people cope, It has helped people celebrate.”

 

At ngayon, maaari nang i-enjoy ang mga milestones ng buhay ng walang alcohol kasama ang with Maria Clara Virgin, na akma sa mensahe ni Moira na maging totoo sa ating mga sarili.

 

Pakinggan at mag-enjoy sa lyrics at melody ng “Maria Clara,” na sinulat ni Moira, habang or umiinom ng Maria Clara Sangria o Maria Clara Virgin.

 

Mapapakinggan ang “Maria Clara” ni Moira Dela Torre sa Spotify.

 

Mabibili ang Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin sa lahat ng major retail outlets.

 

Para sa karagdagang impormasyon sa Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin Sangria at para sa kapana-panabik na news updates kay Moira Dela Torre, sundan ang Maria Clara Sangria on Facebook, Instagram and TikTok sa @mariaclarasangria.ph.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ASEAN leaders, opisyal na sinimulan ang 43rd summit sa Indonesia

    OPISYAL na sinimulan ng mga top leaders ng ASEAN member-states, araw ng Martes ang 43rd ASEAN Summit sa  Jakarta Convention Center sa Indonesia.     Dumalo si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa opening ceremony kasama sina ASEAN Summit Chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR […]

  • KYLIE, ramdam ang labis na paghanga at kung gaano kamahal si JAKE

    IBA ang paghanga ni Kylie Verzosa sa boyfriend na si Jake Cuenca.     Ramdam na ramdam namin ito sa naging IG Live interview niya with G3 San Diego.  At bukod sa paghanga sa boyfriend bilang isang actor, ramdam din kung gaano ito kamahal ng beauty queen turned actress.     Sey ni Kylie, “Without […]

  • 59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease wala ng VAT–BIR

    WALA ng kokolektahing Value Added Tax (VAT) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis at Kidney Disease.     Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular […]