Inialay ang tropeo kay Kiko at sa mga anak: Parangal kay SHARON, pinaka-highlight ng first-ever ‘Gawad Banyuhay Awards’
- Published on December 15, 2022
- by @peoplesbalita
HINAHANAP kita sa awards night, Rohn Romulo, dahil ang highlight ng gabi ng parangal ay ang pagdalo ng mahal mong Megastar na si Sharon Cuneta na recipient ng first-ever Gawad Banyuhay Awards.
Pero wala ka, mabuti na lamang at dumating ang Megastar para sa kanyang Gawad Banyuhay Gloria Sevilla Actress of the Year award sa grand ballroom ng Manila Hotel last Monday, December 12. Napaka-elegante at slim ng Megastar sa kanyang gown na silver at black na halatang mamahalin, tulad ng mga suot niyang alahas sa gabing iyon.
Mahigpit na niyakap ni Sharon si Suzette Ranillo, ang anak ni Tita Gloria na kilala sa showbiz bilang Queen of Visayan Movies; si Suzette ang nag-abot ng tropeo ni Sharon at sa speech niya ay sinabi niyang para na niyang mga kapatid sina Suzette, Dandin, Juni, Lilibeth, Jojo, Inah at Mat Ranillo III dahil second mom raw niya si Tita Gloria.
Grabe ang memorya ni Mega dahil kabisado niya ang pangalan ng lahat na magkakapatid.
Naalala tuloy namin si Gloria Diaz noong sumali sa Miss Universe 1969 kung saan walang buckle na na-enumerate ni Miss Diaz ang mga pangalan ng labing-isa niyang kapatid!
Nagbalik-tanaw pa nga si Sharon na noong bata pa siya ay madalas siyang bumisita sa set ng TV sitcom na ‘Mommy Ko Si Mayor’ kung saan bida ang namayapang si Tita Gloria at producer ng naturang sitcom na umere sa Channel 9 mula 1979 hanggang 1981
Si dating Senador Kiko Pangilinan ang escort ni Sharon that night na very obvious na proud na proud sa bagong achievement ng kanyang misis.
Inialay ni Sharon ang kanyang tropeo sa kanyang mister at sa kanyang mga anak na sina KC Concepcion, Frankie, Miel at Miguel.
Maluha-luha si Suzette sa mga papuring ibinigay ni Sharon kay Tita Gloria.
Co-founder si Suzette ng naturang award ni Dr. Carl E. Balita ng Carl Balita Review Center.
Awardees rin, my dear editor Rohn Romulo, ang isa mo pang paboritong singer, bukod kay Barbra Streisand, si Kuh Ledesma na pinarangalan ng Gawad Banyuhay ng Musika Dulce Singer of the Year.
Maging si Dulce ay pinagkalooban ng Gawad Banyuhay Haligi ng Musika award at ang iba pang taga-showbiz na sina Barbie Forteza na in behalf ng pinagbibidahan niyang ‘Maria Clara At Ibarra’ ay pinarangalan bilang Gawad Banyuhay ng Programang Pang-edukasyon; ang celebrity chef naman na si Boy Logro ay ginawaran ng Haligi ng Siklab award at ang bukod tanging hindi nakadalo sa awards night (sa entertainment category) na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na bumawi naman sa pamamagitan ng isang video ng pasasalamat ni Daniel sa kanilang Gawad Banyuhay Ng Pagmamahalan award.
By the way, muli naming nakita at nakatsikahan ng very light si Kate Brios na isang Borad Member ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na dumalo in sa awards night in support and love of Suzette and of course kay Tita Gloria na Board Member rin ng MTRCB bago sumakabilang buhay October of this year sa Amerika.
Isa ring businesswoman at aktres ang very pretty na si Kate na kasali sa ‘Mamasapano’ movie na entry sa Metro Manila Film Festival sa December 25.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Nelson nagtala ng bagong rekord sa hammer throw
SUMULAT ng bagong national women’s hammer throw record si Filipino-Canadian Shiloh Corrales-Nelson sa katatapos na Triton Invitational Tourney sa University of California-San Diego track oval sa United States. Ineklipsehan ng University of California-Riverside track team member sa six and last attempt ang eight-year-old PH mark na 50.55 meters ni Loralie Amahit-Sermona na naitatak […]
-
After 18 years, legal na ang kanilang pagsasama: TROY at AUBREY, mas pinili ang ‘civil wedding’ kesa magpa-bongga
LEGAL na ang pagsasama nina Troy Montero at Aubrey Miles. Though meron na silang mga anak at labing-walong taon na silang magkarelasyon at magkasama, it was only last June 9 nang gawin na nga nilang legal ang kanilang pagiging partner. Legally Mrs. Montero na si Aubrey. At sa halip […]
-
Ads June 21, 2021