Inihayag na six years na lang sa showbiz: BEAUTY, tutuparin ang ipinangako sa kanyang mag-ama
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
THANKFUL and feeling blessed si Kapuso actress Beauty Gonzalez, na simula nang lumipat siya sa GMA Network, sunud-sunod at iba-iba ang mga characters that she is playing.
First project niya ang romantic-drama series na Loving Miss Bridgette with Kelvin Miranda. Nasundan agad ito ng I Can See You: AlterNate, katambal si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes who played a dual role.
Ngayon, patapos na ang lock-in taping ng third teleserye niya, ang The Fake Life, at doon na nag-celebrate ng birthday niya last Saturday, May 28.
“Mas matindi po ang character kong ginagampanan dito na talagang pinaghandaan ko, nagpagupit ako ng bangs para iba naman ang mapapanood sa akin nga mga viewers,” kuwento ni Beauty sa zoom mediacon.
“Marupok na malandi ang character ko rito, at salamat kay Direk Adolf Alix, Jr., na-execute ko ang character ko. First time ko lamang nakatrabaho ang mahuhusay na actors na sina Ariel Rivera at Sid Lucero, si Ms. Tetchie Agbayani, gayundin ang ilan sa mga new Sparkles artists ng GMA.”
Inihayag na rin ni Beauty na six years na lamang siya sa showbiz. Promise daw niya iyon sa kanilang only daughter, si Olivia, ng husband niyang art curator na si Norman Crisologo.
“She’s now six years old at madalas ang daddy niya ang kasama at nag-aalaga sa kanya kapag may work ako, lalo ngayon, na lagi akong may lock-in taping. Kapag teenager na siya, I really have to be back home na para alagaan sila at bond with them.”
Sa June 6 na ang world premiere ng The Fake Life at 4:15 pm, after Raising Mamay. Papalitan nila ang Artikulo 247 na finale na sa Friday, June 3 at excited na ang mga viewers, kung matutuloy na ang kasal nina Jane (Rhian Ramos) at Noah (Benjamin Alves) at liligaya na sila pagkatapos ng maraming paghihirap na inabot nila kay Klaire (Kris Bernal)?
Aabangan din kung sino pa ang susunod na paghihigantihan ni Klaire, at kung ano ang kanyang magiging katapusan.
***
LABIS naman ang pasasalamat ng GMA Network at ang buong cast ng Afternoon Prime series na Apoy sa Langit, na tinutukan ng mga televiewers, Mondays to Saturdays, right after Eat Bulaga.
Tampok sa serye sina Zoren Legaspi, Mikee Quintos, Dave Bornea, Lianne Valentin, at si Ms. Maricel Laxa-Pangilinan.
It seems naghihintay ang mga netizens kung kailan mahuhuli sina Cesar (Zoren) at Stella (Lianne) na pagpapanggap na mag-ama, pero ang totoo ay lovers sila, kaya araw -araw ay tumataas ang viewership nito. Kailan lamang sila nagsimulang mapanood pero umaabot na sa 9 million views ang episode at malamang papataas pa ito.
Ang hinihintay ng mga netizens, kailan paniniwalaan ni Gemma (Maricel) na tama ang sinasabi ng anak na si Ning (Mikee) na may babae si Cesar? Paano kung malaman niyang si Stella iyon na itinuturing niyang sister dahil sa kabaitang ipinakikita nito?
***
MATAGAL-TAGAL na rin, simula ng pandemic, na ibinalik muna ng GMA Network ang simula ng story ng family sitcom na Pepito Manaloto na nagkukuwento lamang sina Michael V at Manilyn Reynes ng story nila, at ginampanan ito nina Sef Cadayona as Pepito at Mikee Quintos as Elsa. Kasama sina Pokwang, Gladys Reyes, Archie Alemania, Pekto at Kokoy de Santos.
Naapektuhan din ang story nila dahil sa mga health protocols na hindi pwedeng mag-taping kung wala pang 15 years old ang artistang gaganap sa role. Fourteen years old pa lamang noon si Angel Satsumi na gumaganap na Clarissa, ang bunsong anak nina Bitoy at Elsa.
Ngayon, Angel has turned 16 years old na, kaya malapit na ang muling pagbabalik ng paborito ninyong pamilya Manaloto every Saturday, 6:15 pm sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
Ads May 18, 2021
-
Ads June 2, 2022
-
DepEd: Mga paaralan, last option sa vaccination sites
Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na ang mga paaralan ay dapat na gamitin lamang bilang last resort o huling opsiyon bilang vaccination sites, ngayong nagpapatuloy na ang inoculation rollout ng pamahalaan laban sa COVID-19. Binigyang diin ni DepEd Sec. Leonor Briones ang panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Department of […]