Inilabas ang throwback photo ng magkakapatid: SHARON, may pahiwatig sa nagaganap kina KC, FRANKIE at MIEL
- Published on December 4, 2024
- by @peoplesbalita
NAGING topic sa isang umpukan ng mga kasamahang may konek sa showbiz ang latest Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta.
Ito ay pagkatapos nang ginawang pagmamalaki ni Ate Shawie ng isang throwback picture ng mga mahal niyang junakis na sina KC Concepcion, Kakie Pangilinan, at Miel Pangilinan.
Banggit pa ni Mega na ito raw ang cellphone wallpaper niya ngayon.
“My present phone wallpaper…taken years ago…when all was right in my world…” saad pa ng megastar.
Siyempre agad namang sumagot sa naturang post ni Sharon ang super best friend and sister niyang si Judy Ann Santos.
“Everything will be alright ate,” sey pa ng young superstar.
Nagbigay naman agad ng kanilang reaksiyon ang mga anak ni Ate Shawie na siyempre mas nakatawag ng pansin sa mga netizens.
“I love you Mama” ani pa ng mga anak ni premyadong aktres na sina Kakie at KC, lalo na kay KC, dahil hindi matapos-tapos ang mga isyung hindi raw sila nagkakasundong mag-iina paminsan minsan.
Agad rin naman nagbigay ng kanilang opinyon ang mga netizens.
“we don’t know what you and your mom are going through but hopefully messages like this are sent personally to her. I lost my mom a few years ago suddenly from a heart attack that took her instantly and I regret every moment I fought with her or lost time with her. You can never bring it back… you only have 1 mom, the person who brought you in this world, cherish it.
@reallysharoncuneta is loved by soooo many but she only wants the love of her children, for this holiday, hope you can give her the gift of love. She truly deserve it.”
“May you be reunited this Christmas with you mom or any day.”
“Walk the talk Hija. Not through socmed please.”
“Sana lng hindi pagood imge sa social media pero iba kapag off cam how u treat your mom. Matanda n sya kaya sulitin habang kasama mo p sya at nsa huli ang pagsisi..wag mkipgmataasan ng ihi sa mama mo kaya di ka sinuswrte sa lovelife mo kase may karma yun.”
“looking forward to see you all together…love u kz papa gab and mama sharon….”
***
THIS December 9, 2024 ay idi-display na ang wax figure ni Kapamilya actress-TV host Anne Curtis sa Madame Tussauds Hong Kong, na in-unveil last Wednesday, November 27 sa Makati City.
“I am honored, thrilled, and excited. This is amazing. I can’t believe that I’m gonna have my very own wax figure.” banggit pa ni Anne sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.
Kung marami ang natutuwa at napa-proud kay Anne dahil sa pagkakaroon ng wax figure, may mga bashers din naman siyang natatanggap.
Ayon pa sa nga ito ay hindi pa dapat si Anne ang binigyan ng wax figure, mas dapat daw mauna sina Star for All Seasons Vilma Santos, Megastar Sharon Cuneta at Superstar Nora Aunor.
Kinukuwestiyon kasi nila kung bakit si Anne ang napiling bigyan ng wax figure ng MTHK samantalang napakarami pang Filipino celebrities ang mas deserving kaysa Kapamilya aktres.
(JIMI C. ESCALA)
-
Pope Francis idineklara ang ‘Ash Wednesday’ sa Marso 2 bilang international day of fasting and prayer for peace para sa Ukraine
IDINEKLARA ni Pope France ang paparating na Ash Wednesday sa Marso 2 bilang international day of fasting and prayer for peace. Ayon sa Santo Papa na sa nasabing araw ay umaapela ito sa lahat ng panig na mag-abstain mula anumang hakbang na magdudulot ng paghihirap sa mga tao. Magugunitang inanunsiyo ng […]
-
Obiena ‘di kinumpleto ang Golden Challenge
HINDI tinapos ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang Golden Roof Challenge matapos itigil ng mga namamahala ang sanhi nang masamang panahon. Pumasa na ang 24-anyos na University of Santo Tomas Engineering student at isa sa mga pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa 5:30 metro nang magsimulang umambon at tuluyang lumakas […]
-
Top Athletes kikilalanin sa PSA Awards Night
MANINGNING ang kampanya ng Team Philippines sa nakalipas na taon partikular na sa 2024 Paris Olympics kung saan nag-uwi ang mga Pinoy athletes ng dalawang ginto at dalawang tansong medalya. Kaya naman kikilalanin ang husay at galing ng mga Pilipinong atleta sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Enero 27 […]