• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena ‘di kinumpleto ang Golden Challenge

HINDI tinapos ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang Golden Roof Challenge matapos itigil ng mga namamahala ang sanhi nang masamang panahon.

 

Pumasa na ang 24-anyos na University of Santo Tomas Engineering student at isa sa mga pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa 5:30 metro nang magsimulang umambon at tuluyang lumakas na naging dahilan upang tuluyang ipagpaliban ang kompetisyon.

 

“The competition director had decided not to finish the men’s pole vault competition for the safety of the athletes due to heavy rainfall, the “Golden Roof Challenge,” bigkas nitong Linggo ng 6-foot-2, Tondo, Manila native.

 

Nakamata na sana ang unang Tokyo Olympic qualifier ng bansa sa 5.40 metro sa kanyang ikaapat na torneo ngayong taon, pero tututok na lang sa susunod na sasaling torneo.  Patungo na siya at si coach Vitaly Petrov sa Ostrava, Italy pata ipagpatuloy ang training camp.

 

Isa siya sa inaahan ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. (REC)

Other News
  • Omicron wave sa Amerika, nagsimula nang bumaba

    NAGSISIMULA nang bumaba ang omicron wave sa United States sa New York at iba pang malalaking lungsod dito.     Ito ay kahit na umabot sa mga “new highs” ang COVID-19 hospitalizations dito batay sa lagging indicator nito.     Ang trend ng pagtaas sa mga kaso ng omicron na sinusundan ng parehong mabilis na […]

  • Pagtakbo bilang VP, oportunidad na palawakin ang naaabot ng serbisyo- Mayor Sara

    SA kabila ng mahirap na desisyon ay pinakinggan at pinili pa rin ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte ang panawagan na magsilbi sa bansa.   Matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para reelection noong Oktubre 2, patuloy pa rin ang panawagan ng kanyang supporters na tumakbo sa mas mataas […]

  • Australian Open organizers papayagan ng makapaglaro si Djokovic

    HANDA  pa ring tanggapin ng Australian Open si tennis star Novak Djokovic para maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne.     Sinabi ni Australian Open tournament director Craig Tiley, na kapag makakuha ng visa ang Serbian tennis star ay papayagan nila itong maglaro sa unang grand slam tournament ng […]