• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iniyakan dati sa tuwing magri-race ang aktor: ABBY, gustong mala-Jennifer Lopez at Ben Affleck ang kasal nila ni JOMARI

KUMPIRMADO na ang kasalang Jomari Yllana at Abby Viduya sa November ng taong ito.

 

 

Mismong sina Abby at Jomari ang opisyal na nagbalita nito. Sa pamamagitan muna raw ng isang civil wedding sa Las Vegas, U.S.A. ang magiging kasal nila.

 

 

Ayon kay Abby, gusto nila na mala-Jennifer Lopez at Ben Affleck at isa rin sa reason ang panganay na anak ni Abby na gusto raw na makasama rin nila. Sa parte naman ni Jomari, hindi raw kasi siya puwedeng umalis ng matagal dahil sa trabaho niya bilang Konsehal ng Paranaque.

 

 

 

Pero end of 2024 or early 2025 ang magiging church wedding nila sa Peñafrancia Church sa Naga City, kunsaan, ikinasal naman ang mga magulang ni Jomari.

 

 

 

Wala na ngang duda ang wagas na pagmamahalan ng dalawa. At napatunayan din nila na soulmate raw silang talaga.

 

 

 

Sa isang banda, supportive wife-to-be naman si Abby sa passion ni Jomari pagdating sa motorsports. Kaya kahit daw sa umpisa, iniyakan niya ito dahil sa pag-alala tuwing si Jomari ay magri-race, nang makita raw niya ang kakaibang saya nito sa kanyang sports, binigay na rin niya ang blessing.

 

 

 

Simula nga noong August 2, limang araw ang biggest motorsport event na “Motorsport Carnivale” sa Okada Manila. Bibigyan din nila ng award ang mga kilalang celebrities na racing enthusiast din tulad nina Richard Gomez at Matteo Guidicelli.

 

 

 

Si Jomari naman, siya ang unang Filipino na podium finisher sa Yeongam International Circuit sa South Korea noong 2014. He is also the principal driver of pro racing team, Yllana Racing.

 

 

***

 

 

BALIK na talaga si Coleen Garcia sa pagiging aktibo sa pag-arte.

 

 

Nakatapos na siya ng bagong pelikula under VIVA Films, ang “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” kasama niya sina Carlo Aquino, Ryza Cenon, Jerome Ponce, Rhen Escaño, Kikon Estrada, Andrea del Rosario, Jeric Raval at iba pa. Sa direksiyon ni Carlo Enciso Catu.

 

 

Mas nahahanapan na raw niya ng oras ngayon bilang for three years din, talagang naging tutok talaga siya kay Amari, sa anak nila ni Billy Crawford.

 

 

“Dito pa lang talaga ako bumu-bwelo but I realized, since pinapayagan na ako ni Amari na mag-work. May sariling buhay na siya, may sariling schedules na siya, sana mapadalas.”

 

 

At base sa title ng movie, meron na rin naman daw siyang sinukuan din talaga.

 

 

 

“I think, lahat naman po tayo at some point, may sinukuan. It could be a hobby, a toxic person in life. Ako, marami na, marami na,” pag-amin niya.

 

 

 

Pero yung muntik na raw niyang sukuan pero nagpapasalamat siya na hindi niya sinukuan, ang relasyon daw nila ni Billy.

 

 

 

“Siguro ito, ‘yung relationship. Kasi kapag may mga away, iniisip mo, give-up na. So kami, lumaban at lumaban hanggang sa huli. And I’m really happy that we fought. It’s really a rocky road to get here, but finally, we’re here.”

 

 

 

Ngayon daw, masasabi niyang masaya talaga silang pamilya.

 

 

 

Ang “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” ay streaming exclusively sa VIVA One simula ngayong August 21.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Jaja Santiago kailangan ng Pilipinas — PNVF

    Kailangan ng Pilipinas si Jaja Santiago.     Ito ang inihayag ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa usap-usapang inimbitahan si Santiago na maging local player sa Japan.     Mismong si Santiago ang nagsiwalat na interesado ang Japan dahil sa magandang inilalaro nito sa Japan V.League kasama ang Ageo Medics.     Subalit nilinaw […]

  • Mayor Jeannie nakipag-ugnayan sa DBP para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic development

    UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Development Bank of the Philippines (DBP) para ilunsad ang programa ng bangko na tumutulong sa pagpopondo sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan psa epektibong pagpapatupad ng mga programa.       Nilagdaan ni Mayor Jeannie Sandoval at […]

  • Pagpapaliban ng 2022 Barangay at SK elections, aprubado sa komite

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog, Jr. ang substitute bill na magliliban ng December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.     Ang substitute bill ay pinagsama-samang mahigit sa 30 panukalang batas.     Sinabi ni Dalog na kabilang dito […]