• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Instant millionaire ang two-time world cham­pion … Cash incentives bumubuhos at Hero’s welcome ng Maynila kay Yulo

NSTANT millionaire si two-time world cham­pion Carlos Edriel Yulo na matagumpay na nasungkit ang gintong medalya sa men’s floor exercise sa Paris Olympics.

 

 

 

 

 

Nangunguna na sa listahan ng matatanggap nito ang tumataginting na P10 milyon mula sa gobyerno na ngayon ay naging 20 milyon dahil sa dalawang gintong medalya na kanyang nauwi.

 

 

 

Nakasaad sa Under Republic Act 10699 o mas kilala sa tawag na ‘Sports Benefits and Incentives Act of 2001,’ tatanggap ang gold medalist sa Olympic Games at Winter Olympics ng P10 milyon kasama ang Olympic Gold Medal of Valor mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

 

 

 

Magkakamit naman ang silver medalists ng P5 milyon habang may P2 mil­yon naman para sa bronze medalists.

 

 

Kabilang pa rito ang isang brand-new na condominum unit sa pamosong McKinley Hill sa Taguig City na nagkakahalaga ng P24 milyon mula sa Megaworld.

 

 

“It’s a gold for the Philippines! Congratulations Carlos Yulo! Welcome to your McKinley Hill home!” ayon sa post ng Megaworld.

 

 

 

Bukod pa rito ang iba pang pangako ng malala­king kumpanya para kay Yulo.

 

 

 

Inaasahang bubuhos pa ang insentibong makukuha ni Yulo gaya nang nangyari kay Tokyo Olympics gold medalist Hidiyn Diaz.

 

 

 

Isang buffet restaurant ang nangako ng lifetime buffet para kay Yulo kung saan maaari itong kumain anumang oras naisin nito. Ilan lang ito sa mga naghihintay na regalo mula sa ating gold medalist, asahan pa ang pagbuhos ng pabuya kay Caloy dahil sa napakalaking karangalan na hatid niya sa ating bansang Pilipinas.

 

 

 

Samantala, inihahanda naman ng Siyudad ng Maynila ang isang hero’s welcome para kay 2024 Paris Olympic Games gold medalist Carlos Edriel Yulo.

 

 

 

Ang 24-anyos na gymnast ay tubong Leveriza, Malate at nagsimulang mag-ensayo sa kanyang murang edad sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

 

 

“Our hearts leaped in our chests as Caloy leaped high in the air. We stomped our feet on the floor as Caloy nailed those solid landings that felt like earthquakes. Our eyes glowed in admiration as Caloy showed sure control as he executed that perfect handstand,” ani Manila City Mayor Honey Lacuna.

 

 

Inangkin ni Yulo ang Olympic gold matapos pagharian ang men’s floor exercise.

 

 

Nakisabay din ang mga Manileño sa pag-awit ni Yulo ng Philippine National Anthem.

 

 

“Tears welled up in our eyes and flowed in streams on our faces as the Philippine Flag rose in Paris. As Carlos cried tears of utter joy, we cried too,” wika ni Lacuna. “Our Outstanding Manilan Awardee is now an Olympic Gold Medalist!”

Bukod sa isang hero’s welcome ay bibigyan din ng Manila City si Yulo ng cash incentives at awards. (M.R. Antazo)

Other News
  • Single but ‘out of the market’: GAZINI, open nang pag-usapan ang relasyon nila ni GAB

    OPEN na si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados na pag-usapan ang relationship nito with actor Gab Lagman.         Nagsimula ang usap-usapan na may relasyon sila ni Gab sa wedding ng beauty queen na si Samantha Bernardo kay Scott Moore in Cebu.         Pero ayon kay Gazini, single but […]

  • KAYA SCODELARIO, THE NEW KICK-ASS PROTAGONIST IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”

    BRITISH actress Kaya Scodelario (The Maze Runner franchise, Pirates of the Caribbean: Salazar’s Revenge, and alligator thriller Crawl) stars as Claire Redfield, the street-smart, sassy, kickass protagonist of Columbia Pictures’ action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15).       [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]       “I’d grown up with her, watching her […]

  • House hearings sa ABS-CBN ‘lutong makaw’

    Mistulang lutong ma­kaw umano ang naganap na pagdinig ng House committee on legislative franchises na kung saan “predetermined” na ang desisyon sa ginawang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal.   Ito ang naging pagti­ngin ng ilang kongresista sa 40 pahinang report ng technical working group (TWG) na inirekomendang ibasura ang prangkisang hinihingi […]