Insurgency, nananatiling prayoridad ng NICA sa kabila ng paghina ng NPA
- Published on May 4, 2024
- by @peoplesbalita
NANANATILING kabilang sa prayoridad ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay ang pangangalap ng mahahalagang ‘intelligence’ laban sa mga aktibidad ng mga komunista.
Ito’y sa kabila ng paghina ng terrorist group’s armed wing.
Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni NICA Deputy Director General for Special Concerns Abelardo Villacorta na nagpapatuloy ang communist recruitment activities kung saan target ang mga estudyante at sektor ng kabataan.
Sinabi pa nito na ang ahensiya bilang pinuno ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) Situational Awareness and Knowledge Management Cluster, nakatuon sa pagmo-monitor sa mga nasabing pagtatangka na akitin ang mga kabataan na mag-armas laban sa pamahalaan.
“There are so many of our youth, the students that are being recruited into the CPP-NPA-NDF at kawawa sila, iyong mga pangarap nila, ambisyon nila ay nasisira (their dreams and their ambitions in life are being destroyed) because they are being deceived to join the movement and become members of the NPA,” ayon kay Villacorta.
Aniya pa, marami ng mga magulang ang nakikipag-ugnayan ngayon sa NICA para tumulong na mabigo ang mga komunista sa kanilang recruitment activities.
“Tumutulong sila sa amin in our situational awareness and knowledge management, at napakalaking tulong nila,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. na ang walang humpay na operasyon ng pwersa ng estado laban sa mga komunista ay naging napaka-epektibo para was akin ang aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts.
Base sa pinakabagong impormasyon mula sa military, ang bilang ng guerrilla fronts ng terrorist group ay bumaba na sa 11. (Daris Jose)
-
SLP-PH tankers, kargado ng 61 medalya
Humakot ang Swimming League Philippines-Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang 16 na ginto para makopo ang ikatlong puwesto sa overall medal standings sa Asian Open Schools Invitational Aquatics Championships kamakailan sa Bangkok, Thailand. Pinangunahan ng 5-anyos at tinaguriang bagong ‘swimming wonder’ ng bansa na si Pia Severina Magat ang ratsada ng 32-man […]
-
P270-P300 price freeze sa baboy
Inirerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze sa karne ng baboy sa merkado, kasunod na rin nang pagsirit ng presyo nito dahil sa African swine fever (ASF). Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, iaapela ni DA Secretary William Dar kay Pangulong Duterte […]
-
‘Di nakaligtas sa intimate love scenes sa ‘Habangbuhay’… ELISSE, aminadong selosa kaya ia-approve muna ang tatanggapin ni MCCOY
MATAPOS ang halos tatlong taon, muling magsasama ang real life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa isang pelikulang siguradong pupukaw ng damdamin, ang Habangbuhay. Handog ito ng Vivamax at available for streaming sa April 22,2022. Gumaganap si Elisse bilang Bea. Dahil sa sakit na Common Variable Immune […]