• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Intel at crime prevention pinaigting sa Quezon City para sa 2025 elections

HIGIT pang pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang intelligence at crime prevention para matamo ang isang maayos at matahimik na halalan sa May 12 midterm election sa susunod na taon.

 

 

Sa press conference sa QC Hall sinabi ni Police Capt. Febie Madrid, spokesperson ng QCPD na bukod sa pagdedeploy ng kapulisan sa panahon ng halalan ay naglatag na rin sila ng mga checkpoints sa ibat ibang strategic areas sa Quezon City bilang paghahanda sa darating na halalan.

 

Anya wala naman silang maitutu­ring na hotspots sa QC may kinalaman sa darating na halalan .

 

 

Sinabi ni Madrid na may ugnayan din ang Kapulisan sa mga barangay upang matiyak ang kaayusan ng eleksyon.

 

Ipinaalala rin nito sa publiko na 24/ 7 na bukas ang Helpline 122 ng QC upang tawagan kung kailangan ng tulong kung may mga untoward incidents sa kanilang lugar para sa kaukulang aksyon ng QC Police.

 

Dinagdag din nya na bukod sa mga ipapakalat na tauhan sa mga lugar malapit sa polling precints ay may mga foot patrol din sila na magbabantay sa mga bahay na maiiwang walang tao sa panahon ng election laban sa mga kawatan na Akyat Bahay.

 

Ipinaalala rin nito na sa election period ay ipinatutupad ang gun ban at tanging ang mga may gun ban exemption lamang ang maaaring magdala ng armas sa panahon ng election tulad ng mga pulis.

 

 

Hindi aplicable dito ang mga may dala lamang na permit to carry firearms.

Other News
  • ‘Back to ECQ:’ Mga hospital bed capacity sa Cebu, dadagdagan- Cimatu

    Inaalam ng Visayas Overseer on COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Task Force na si Sec. Roy Cimatu ang bed capacity sa lahat ng mga pagamutan sa Lungsod ng Cebu.   Ayon kay Cimatu, natukoy nila mula sa mga tinawagang may-ari na may 569 bed capacity sa mga pribadong ospital habang 646 sa intensive care units.   […]

  • Kung may nais na maulit sa kanyang buhay: KC, gustong maging best friends ulit sila ni SHARON

    KUNG si KC Concepcion pala ang tatanungin kung ano ang part ng buhay niya na gusto niyang maulit, ano iyon?       Natuwa si KC nang itanong sa kanya iyon, nang minsan makausap siya, the other day sa “Updated with Nelson Canlas.”     Ang sagot ni KC: “wow, good question! Gusto kong maging best […]

  • Nakasungkit ng special awards kahit luhaan… AHTISA, umabot sa Top 10 sa kauna-unahang ‘Miss Cosmo International’

    LUHAAN ang Pilipinas sa kauna-unahang Miss Cosmo International na ginanap sa Saigon Riverside Park in Ho Chi Minh City, Vietnam.   Umabot lang sa Top 10 ang representative ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo. Pero nakuha nito ang Cosmo People’s Choice Award at Cosmo Tea Culture Tourism Ambassador title.   Si Miss Indonesia Ketut Permata […]