• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

International arriving Filipino passengers na gumaling sa COVID pinapayagan nang makapasok sa Pilipinas

MAAARI nang pumasok sa Pilipinas ang mga Pinoy travellers na galing sa ibang bansa na gumaling na sa COVID subalit nagpopositibo pa din sa required pre-departure RT-PCR test.

 

 

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kailangang lang na makapag- pakita ng medical certificate ang isang Pinoy international traveller na inisyu ng isang licensed physician.

 

 

Kailangan lamang ani Nograles na nakasaad sa medical certificate na nakakumpleto na ang biyahero na gumaling sa COVID-19 traveller ng kanyang mandatory isolation period.

 

 

Kailangan din aniyang nakapaloob sa certificate na hindi na infectious o nakakahawa pa ang biyaherong Pinoy at pinapahintulutang makabiyahe.

 

 

Sinabi pa ni Nograles na ang positive RT PCR test ay dapat ginawa earlier than 10 days but not later than 30 days.

 

 

Samantala, kailangang sumailalim sa facilty based quarantine ang kinuukulang biyaherong Pilipino pagdating dito sa bansa.  (Daris Jose)

Other News
  • VP Sara, ipinagmalaki ang liderato ni PBBM

    NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Vice President Sara Duterte-Carpio kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr, kung saan ang liderato ay  “marked with decisiveness, strength, fortitude, and political will.”     Ipinagmalaki ng Bise-Presidente si Pangulong Marcos at ang “kind of leadership that inspires us to be more aggressive in delivering what we have promised to the […]

  • Hinihintay ng netizens at fans ang first photo at name… DENNIS at JENNYLYN, wala pang binibigay na details tungkol kay ‘BABY D’

    WALA pa ring ibinibigay ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung ano ang ibig sabihin ng “Baby D” na tawag nila sa bagong silang na baby girl, kaya naghihintay pa rin ang mga fans nila.               Maikli lamang kasi ang ibinigay na statement ni Dennis sa Chicka Minute ng “24 Oras: “Everything went […]

  • MMDA, pinaalalahanan ang publiko na dalhin ang ID at vaccination card

    PINAALALAHANAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na palaging dalhin ang kanilang ID at vaccination card.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na magkakaroon kasi ng mga random checking sa lahat ng mga gusali habang nasa ilalim ng alert level 3 ang NCR at ilang lugar […]