• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

International flights ‘wag nang idaan sa Manila – PBBM

HINDI dapat ipilit na dumaan pa sa Manila ang mga international flights na dumarating sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kanyang talumpati sa grand opening ng bagong terminal building sa Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga, sinabi ng ­Pangulo dapat dumiretso na ang biyahe sa mga pupuntahang lugar katulad ng Bohol, Cebu, Cagayan de Oro at Davao.

 

 

“Huwag nating pi­nipilit lahat na kailangan dumaan ng Maynila. So, direct na sa Bohol, direct na sa Cebu, marami na talagang direct. Direct sa CDO, direct sa Davao na mayroon na rin. Ganon, para ‘di na kailangang dumaan ng Maynila. Kaya’t itong ganitong klaseng project is exactly on point when it comes to the plans that we have,” ani Marcos.

 

 

Sinabi ni Marcos na habang inaayos pa ang airport sa Maynila at hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan ay dapat ma­gamit ang mga paliparan sa ibang rehiyon.

 

 

Ipinahiwatig din ni Marcos na magtutuloy-tuloy na ang iba pang mga proyekto sa ilalim ng public-private partnerships.

 

 

Naantala lang aniya ang mga nakahanay na proyekto dahil sa pan­demya at panahon na para balikan ang mga kahalintulad na proyekto kung saan nagtutulungan ang gob­yerno at pribadong sektor.  (Daris Jose)

Other News
  • 2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN

    TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City.     Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit […]

  • Rider timbog sa baril-barilan at shabu sa Valenzuela

    Kulong ang isang 44-anyos na rider matapos makuhanan ng baril-barilan at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Airsoft pistol/ illegal possesion of firearm), paglabag sa RA 9165 at Art 151 of RPC (Disobedience) ang […]

  • PBBM nakatutok sa paghina ng piso

    MAHIGPIT  na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghina ng piso laban sa US dollar, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.     Bagaman at hindi napag-usapan sa isinagawang meeting ng Gabinete ang isyu sa paghina ng piso kontra dolyar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pangulo sa kanyang economic team.     Naitala noong Setyembre […]