• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inuulan din sila ng suwerte sa negosyo: GLADYS, dapat kainggitan dahil puwedeng mag-work kahit saang network

PINABULAANAN ng TAPE Inc. na hanggang katapusan ng July ang Eat Bulaga.

 

 

Kumalat ang balita online pagkatapos na makakuha ng mababang rating ang Eat Bulaga noong  July 1 when “It’s Showtime” and “E. A. T.” premiered on GTV and TV5 respectively.

 

 

Pero sa latest ratings report, the viewership of Eat Bulaga has increased by at least 0.7% by July 3, and continued to increase by July 5.

 

 

Sa isang statement na galing kay Atty. Maggie Abraham Garduque, ito ang nakalagay:

 

 

“There is no reason for that. We do not contest that on July 1, mababa ang rating of ‘Eat Bulaga’ because of the anticipation of people on the launch of new shows, but thereafter, makikita na tumataas na ulit ang ratings nito.

 

 

“Eat Bulaga segments are doing great, lalo na yung segment ni Yorme (Isko Moreno) and Buboy (Villar). Hey! Mr. Rider is sobrang patok na patok sa mga members ng motorcycle associations.

 

 

“Ang Eat Bulaga ay para sa tao at hanggang maraming manonood, ang tumatangkilik, patuloy ang Eat Bulaga sa pagbibigay ng saya at tulong sa mga kababayan natin.”

 

 

Ang legal team ni Garduque ay magsisimula ng imbestigasyon para malaman kung sino ang nagkakalat ng tsismis para sampahan nila ito ng kaso.

 

 

***

 

 

DAPAT na kaiinggitan ng mga artista si Gladys Reyes dahil siya ay walang nagiging problema kunsaan man siyang TV show na magtrabaho.

 

 

Ngayon ay mapapanood si Gladys sa ‘It’s Showtime’ bilang hurado ng Mini Ms. U. Magsisimula na rin siya ng taping para sa ‘Black Rider’ ng GMA Public Affairs. Puwede rin daw siyang tumanggap ng trabaho sa TV5 at sa Net25.

 

 

“Ito lang naman ang hiling naming mga artista, ‘di ba? Magtuluy-tuloy lang ang trabaho. Alam n’yo naman ako, isang katrabaho. Kahit saan ako, Kapuso, Kapamilya, Kapatid,” sey pa ni Gladys Reyes sa kanyang belated birthday celebration/thanksgiving party.

 

 

Inuulan din si Gladys ng suwerte sa negosyo dahil sa husay sa pag-manage ng mister niyang si Christopher Roxas.

 

 

Ang kanilang ‘Tayo Na Sosyo-Negosyo’ ay iba’t ibang food business kunsaan puwede kang mag-invest at maalagaan nila ang pinasok mong pera.

 

 

“Gusto naming makatulong lalo na sa mga OFW na nagta-trabaho sa ibang bansa. Pwede silang mag-invest or makipag-sosyo sa amin. Kasi safe ang pera sa food business,” sey pa ni Gladys.

 

 

Proud naman si Gladys sa mga papuri na natanggap ng kanyang panganay na si Gian Christophe Roxas. Bukod sa naka-graduate ito ng senior high school with honors, nagpakitang-gilas ito sa pag-awit at pagsayaw sa kanyang party. Future matinee idol si Christophe pero mukhang mas gusto muna nitong mag-focus sa pagpasok nito sa kolehiyo.

 

 

***

 

 

AFTER 6 years ay nauwi sa divorce ang marriage ng former Latin Pop Superstar Ricky Martin sa mister na si Jwan Yosef.

 

 

“We have decided to end our marriage with love, respect and dignity for our children and honoring what we have experienced as a couple all these wonderful years. Our greatest desire now is to continue having a healthy family dynamic and a relationship centered on peace and friendship to continue the joint upbringing of our children, preserving the respect and love we have for each other,” ayon sa joint statement.

 

 

Apat ang anak nila na sina Lucia, 4, Renn, 3 and twin sons Matteo and Valentino, 14.

 

 

Sa Instagram nagkakilala sina Ricky at Jwan noong 2015. Kinasal sila noong 2018.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Valenzuela TODAs nakatanggap ng P3.7M tulong fuel subsidy program

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian sa pakikipagtulungan ng City Council ng one-time fuel subsidy vouchers na nagkakahalaga ng P500 sa lehitimong mga tricycle driver at operators na mga miyembro ng TODA sa Valenzuela City.     Ang pamamahagi ng fuel subsidy voucher program ay ipinapatupad sa pamamagitan ng […]

  • Bayanihan muna, huwag bangayan sa usapin ng community pantry

    BAYANIHAN muna, huwag bangayan.   Ito ang pakiusap ng Malakanyang sa mga kritiko at nagsasabing nagagamit ang community pantry para pangtakip sa kabagalan ng pagkilos ng pamahalaan na magbigay ng tulong sa patuloy na apektado ng pandemya.   “Well, alam ninyo po yang community pantry, that showcase the best in the Filipino character po. Iyan […]

  • Mapanganib na init ibinabala ng PAGASA

    MAY dalawang lugar din ang tatamaan ng hanggang 42°C heat index kabilang ang Pili sa Camarines Sur, at Zamboanga City.     Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot din sa hanggang 40°C ang alinsangan na pasok na rin sa ‘extreme caution’.     Ayon sa PAGASA, kapag umabot na sa ‘danger level’ ang heat […]