• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IPAPATAYONG COMELEC BUILDING, HINDI LUHO

IDINEPENSA ng Comelec Chief  na hindi luho kundi necessity ang gusali ng Comelec na ipinapatayo.

 

 

“Hindi naman po ito luho itong pagpapagawa ng building. Ito po ay talagang necessity. Kailangang kailangan lang po talaga”,  ayon kay Comelec Chairman George Garcia sa mahigit dalawang hektaryang site kung saan itatayo ang 9 storey building ng Comelec.

 

 

” Sa sobrang laki po nito, pati po warehouse  kakasya. Napaka-strategic po ng lugar na ito…katabi ng airport, malapit na rin po sa pier. Hopefully, doon po sa ipapatayo naming building ay meron na rin po kaming dormitory para po sa aming mga kawani na galing pa sa iba’t-ibang probinsya. Natatandaan po natin  ‘pag nagpa-file  tayo ng candidacy, nangungupahan pa tayo sa PICC. ‘Pag meron kaming random manual audit (RMA) ,nangungupahan kami sa ilang hotel para lang makapag-conduct…Samantalang, base po sa plano, sa gabay ni Comm. Rey Bulay at ng buong  Commission en banc ay may sarili na pong auditorium. Ibig sabihin po, kumpleto na, nandun na po lahat-lahat ‘yung kailangan po namin, ” sabi ni Garcia.

 

 

Binigyan diin ni Garcia na naiintindihan ng poll body ang sitwasyon ng ekonomiya sa bansa at ang pangangailangan ang iba pang pambansang alalahanin, kabilang ang food security  at ang patuloy na pagpapatupad ng programa may ugnayan sa COVID-19 health protocols.

 

 

Ang mga istraktura ay “green buildings” o environment friendly.

 

 

“It has a water recycling facility wherein the rainwater can be converted and use to water the plants and also for flushing the toilet. We will be using materials that are environment-friendly. In fact, we will have solar panels so they can generate some savings on our electric consumption. Our windows, it’s slanted so it will deflect direct heat, sunlight so that the temperature inside the building will be lowered and the requirement on air conditioning will be much lower,” dagdag pa ng Comelec chair.

 

 

Umaasa si Garcia na ang inisyal na P500 milyong pondo na inilaan para sa Comelec sa 2023 ay madagdagan pa para masimulan na nila ang construction ng gusali.

 

 

Nakatakdang depensahan ng poll body sa kongreso ang kanilang budget sa Setyembre 9.

 

 

Sa ngayon ay patuloy na inuupahan ng Comelec ang ilang pasilidad kabilang ang 5th, 7th, at 8th floors ng gusali ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.

 

 

Dahil dito, nagdesisyon  ang Comelec na pahabain ang konstruksyon ng gusali mula tatlong taon hanggang limang taon.

 

 

“This will result to a similar bite per annum on the government’s budget pie”, ayon pa sa Comelec. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • US, Japan mamumuhunan ng $100B sa Pinas sa susunod na 5-10 taon -Ambassador Romualdez

    INAASAHAN na magbubuhos ang Estados Unidos at Japan ng $100 billion na pamumuhunan kabilang na ang enerhiya at semiconductors sa Pilipinas sa susunod na 5 hanggang 10 taon.     Ang investment package ay inaasahan na ia-anunsyo sa isasagawang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan sa White House ngayong araw ng […]

  • MAX, nambulabog dahil mabilis na naibalik ang seksing katawan bago siya nabuntis

    SUNUD-SUNOD ang pambubulabog ni Max Collins sa pag-post nito sa social media ng kanyang post-baby body pagkatapos nitong manganak last year.     Eight months na ang nakaraan noong isilang ng Kapuso actress noong July 2020 si Skye Anakin. Pero mabilis na naibalik ni Max ang dati niyang seksing katawan bago siya nabuntis.     […]

  • Ads December 4, 2024