Ipasa ang Anti-Endo Law
- Published on July 22, 2021
- by @peoplesbalita
KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong tutuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong panahon ng kampanya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy silang nananawagan at umaapela sa mga mambabatas na ipasa na ang anti-endo bill lalo pa’t malapit ng matapos ang termino ni Pangulong Duterte ay wala pa ring naipapasang batas ukol dito.
“We continue to appeal to Congress to pass this anti-endo law as the term of the President ends,” ayon kay Sec. Roque.
Kaya kahit aniya panay-panay ang pangangalampag at pagsertipikang agad na maipasa ang panukalang batas laban sa kontraktuwalisasyon kung hindi naman inaaksiyonan ng Kongreso ay wala ring magiging saysay ito.
“But we leave it to Congress because unfortunately no amount of certification can lead to the enactment of the law if the wisdom of Congress is otherwise,” ding pahayag ni Sec. Roque.
Matatandaang, sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang anti-endo bill subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuusad sa Kongreso.
At maging si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello ani Roque ay umaasang maisabatas ang naturang panukalang batas para sa mga manggagawa.
“When I last talked to Secretary Bello, he reiterated the anti-Endo bill continious to be an administration bill and it has also been certified as urgent by the President,” anito. (Daris Jose)
-
No such thing as COVID-19 vaccination exemption cards- Nograles
HINDI magpapalabas ang pamahalaan ng COVID-19 vaccination exemption cards na naglalayong payagan ang mga hindi bakunadong indibiuwal laban sa coronavirus na lumabas ng kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na surge ng kaso. Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang “No Vax, […]
-
Saso dadalaw sa ‘Pinas
SASAMANTALAHIN ni Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso ng Japan ang pagdayo ng ng 73rd LPGAT 2022 Leg 4-5 sa Marso sa Southeast Asia sa papasok na buwan sa Singapore at Thailand. Kaya maaga siyang aalis sa pinagbabasehang Estados Unidos sa pagbisita muna sa sa mga kamag-anak, tagasuporta’t kaibigan sa ‘Pinas sa buwang […]
-
2 bata ni Pacquiao mas bet sa amo si McGregor
MAS gusto ng kampo ni World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Emmanuel Pacquiao na si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) featherweight at lightweight titlist Conor Anthony McGregor ng Ireland ang makalaban sa papasok na taon. Ito ay kaysa kina World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF) ruler Errol Spence Jr. at World […]