• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipatupad ang 24/7 shipment process

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang 24/7 na deployment ng mga team para masiguro na walang itigil ang shipment process sa buong bansa.

 

 

Sa pagsasalita sa ika-apat na pagpupulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) – Infrastructure Sector Group, araw ng Miyerkules, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng “round-the-clock shipment process” para ma-accommodate ang pagdating ng mas maraming barko sa bansa.

 

 

“In this business, there’s no afterhours. It can – it’s ready 24/7. So, let’s not put an extra team, let’s just keep it running. Whatever you have there in the day, let the same number of people that you have all 24 hours,” ayon kay Marcos.

 

 

“So, three eight-hour shifts,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng rekumendasyon ng PSAC na hayaan ang BOC at DA na mag-produce ng shifting schedule, siguraduhin ang 24/7 operations sa kabila ng serbisyo ng pamahalaan na may kinalaman sa ‘logistics at supply chains.’

 

 

Tinuran ng PSAC na ang hakbang na ito ay upang tiyakin na magpapatuloy ang inspeksyon, clearance at payment process, partikular na ang bawasan ang mga gastos at oras lalo na sa

 

x-ray scanning operations sa tanggapan ng BOC at DA na inatasan na inspeksyunin ang ‘reefer vans.’

 

 

Samantala, dumalo naman sa naturang pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang sina PSAC Strategic Convenor Sabin Aboitiz, President at CEO ng Aboitiz Equity Ventures Inc.; kasama ang mga miyembro ng PSAC na sina Enrique Razon, Manuel Pangilinan, Eric Ramon Recto, Joanne de Asis, Ramoncito Fernandez, Rogelio Singson, Christian Gonzalez at Daniel Aboitiz.

 

 

Binubuo ng mga kilalang tycoons at business leaders, ang PSAC ay regular na nagpupulong at nagrerekomenda sa Pangulo ng iba’t ibang polisiya at programa sa ilalim ng anim na sektor gaya ng “infrastructure, agriculture, digital infrastructure, healthcare, jobs at tourism.”

(Daris Jose)

Other News
  • Kaabang-abang ang pagbabalik sa serye: RICHARD, sobrang na-miss ang kulitan nila ng mga co-stars

    MATATAPOS na ang ating paghihintay dahil sa wakas ay muling mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Richard Yap.     Ang Chinito actor ang gumaganap sa karakter ni Doc RJ sa serye na siyang tunay na ama ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak din ni Lyneth […]

  • 3 security guard 3 pa, arestado sa shabu sa Caloocan

    Kulong ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang tatlong security guard matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-2 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng […]

  • IATF, inaprubahan ang amended guidelines para sa Alert Level 1

    INAPRUBAHAN ng  Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Linggo, Pebrero  27, 2022, ang inamiyendahang guidelines sa Nationwide Implementation ng Alert Level System for COVID-19 Response.     Ilan sa mga  protocols na kailangang i-observe sa ilalim ng Alert Level 1 ay:     “Well-fitted face masks shall be worn properly at all times, whether outdoors […]