Ipinagtanggol din niya ang inaakusahang direktor: ALBIE, nagpapasalamat na ‘di pa naranasan na ma-sexually harass
- Published on August 29, 2024
- by @peoplesbalita
SA panahon ngayon, tuwing may mediacon at may young actor na kasali, tiyak na matatanong tungkol sa kontrobersyal na isyu ngayon, ang sexual harassment, partikular sa mga lalaking artista.
Bunga ito ng eskandalong kinasasangkutan ngayon nina Sandro Muhlach at Gerald Santos na usap-usapan sa buong Pilipinas.
Kaya sa presscon ng Vivamax movie na ‘Butas’ natanong si Albie Casiño tungkol dito.
“I always speak for myself but I don’t want to speak and maybe invalidate other people. So, yun ang unang-una kong sasabihin,” paglilinaw muna ni Albie.
“Everything I can say right now is only based on my sole experience.
“I can’t talk about anyone else’s experience other than my own because everybody has the right to live their own experience.
“But this is, like I’ve said, my experience.”
Pagpapatuloy pa ni Albie, hindi naman raw niya naranasan na ma-sexually harass. “Never naman may nangyari where I felt taken advantage of. Never!
“I’ve worked with multiple directors and I’ve had to wear plaster multiple times, and I’ve never felt violated.
“Thank God na rin that it never happened to me. But like I said, I don’t wanna be invalidating anyone else’s experience.”
Nadadawit sa usapin ng paglalagay ng plaster sa private part na konektado sa sexual harassment si direk Joel Lamangan na nag-ugat sa social media post ng male star na si Ahron Villena.
Hindi binanggit ni Ahron ang pangalan ng multi-awarded director na may kinalaman sa paglalagay ng plaster sa kanya kung saan nakaramdam raw si Ahron ng pang-aabuso pero mahihinuhang si direk Joel ang tinutukoy ni Ahron.
Sa pagpapatuloy na pahayag naman ni Albie, hindi rin niya deretsahang binanggit ang pangalan ni direk Joel sa salaysay niya na hindi siya nagkaroon kailanman ng bad experience sa naturang direktor na ilang beses na niyang nakatrabaho tulad ng Rainbow’s Sunset, Isa Pang Bahaghari, Moonlight Butterfly, at sa Biyak ng Vivamax.
“I’ve never had anything bad… I want to say something kasi I feel like this director I’ve worked with before is kinda under fire,” lahad ni Albie.
“But like I said, I’ve worked with him and nothing bad ever happened.”
Samantala, kasama ni Albie sa ‘Butas’ sina Angela Morena at JD Aguas, sa direksyon ni Dado Lumibao, available now for streaming.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ganap ng batas … Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act nilagdaan na ni PBBM
GANAP ng batas ang Self- Reliant Defense Posture Revitalization Act, matapos itong lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kahapon ng umaga bago ito bumiyahe patungong Lao PDR para dumalo sa ASEAN Summit. Ang nasabing batas ay magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng bansa. […]
-
Delta variant umabot na sa Taguig
Kinumpirma kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na umabot na sa kanila ang pinangangambahang Delta variant ng COVID-19, base sa resulta ng pagsusuri sa mga samples ng COVID-19 patients. “May isa po tayong kaso ng Delta variant o iyong nanggaling sa India,” ayon kay Clarence Santos, pinuno ng Taguig Safe City Task Force […]
-
PBBM, hangad na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa
HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa para maging pantay ang trato ng ekonomiya sa lahat ng mga mamamayang Filipino. Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos matapos makiisa sa Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) […]