Ipinarating kung gaano siya kapalad: KARYLLE, may madamdaming mensahe sa pagpanaw ng ama
- Published on August 12, 2024
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng ‘It’s Showtime’ host na si Karylle ang pagpanaw ng kanyang ama na si Modesto Tatlonghari.
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Karylle ang ilang larawan sa simbahan at ang misang isinagawa para sa yumaong ama.
Inalala rin ni Karylle ang pagmamahal ng ama sa kanyang madamdaming mensahe.
“It is with profound sadness that I announce the passing of my dad, Papa M, Doc, Dr. ‘M,’ Moy, Tito M… He was a beloved man who lived life fully. Always a presence in a room, while also making sure everyone felt seen and heard. He, too, was always seen and heard with his handsome “cute” face, youthful porma, and booming voice,” sulat ni Karylle.
Pagpapatuloy niya, “He was a great guy, always brightening up people’s days. A Baguio boy (and Laguna lad!) at heart and topnotcher at the dental board, he loved basketball and his no-look shot.
“He loved picnics and always had a neon pink frisbee and a basketball in the trunk of a lift back. It always needed to be a lift back so you could instantly turn any road trip into a cute picnic of some sort.”
Sa kanyang mensahe, ipinarating din ni Karylle kung gaano siya kaswerte sa kanyang ama.
“His philosophy in life was that if your white rubber shoes (or sneakers) weren’t dirty enough, it meant you didn’t play or have enough fun. Fun! He was always in for the fun!
“High attendance and truly present in school events, Tito M was everyone’s dream dad. I was always lucky coz he was my dad,” ani Karylle.
Nagpaabot naman ng pakikiramay kay Karylle ang ilang celebrities tulad nina Sharon Cuneta, Amy Perez, Benjamin Alves, Lea Salonga, Pops Fernandez, Sherilyn Reyes-Tan, Angeline Quinto, at Darren Espanto.
***
TINUPAD ni Jon Lucas ang promise niya sa kanyang pamilya na lahat ng atensyon niya ay para sa kanila ngayong bakasyon muna siya after matapos ang ‘Black Rider.’
Isang taon nga raw na naging busy si Jon sa taping ng teleserye at gusto niyang bumawi sa kanyang misis at dalawang anak.
“Moments like these! Family is Everything,” caption niya photos na pinost niya sa IG ng bakasyon nila sa isang resort sa Bulacan.
Inamin ng Kapuso hunk na muntik na siyang mag-quit sa pag-aartista pero biglang dumating ang role na Calvin na muling nagpasigla sa career niya. Kelan lang ay nagawaran siya ng award para sa kontrabida role niya.
Okey raw kay Jon na maging kontrabida ulit sa next project niya with GMA.
***
INARESTO ang American rapper na si Nelly ng Missouri State Highway Patrol sa Maryland Heights na malapit sa hometown niya sa St. Louis.
He was arrested for possession of four ecstasy pills and a lack of car insurance.
Ayon sa report ng Extra: “Nelly was arrested at the Hollywood Casino, adding that he was taken into custody for failure to appear on an old traffic charge.”
Ang mugshot ng 49-year old rapper ay nag-trend sa social media. Naganap ang pag-aresto kay Nelly pagkatapos lumabas na sikteto silang kinasal ng singer-girlfriend niyang si Ashanti. Kinasal sila noong December 27, 2023 at kasalukuyang buntis ito.
The baby will be Ashanti’s first child and Nelly’s third. Ama si Nelly sa 29-year old daughter na si Chanelle at 24-year old son Cornell with ex-wife, Channetta Valentine.
(RUEL J. MENDOZA)
-
AMBS at ABS-CBN, nagkapirmahan na: Tumatak na Kapamilya serye nasa ALLTV na bukod sa ‘TV Patrol’
INANUNSIYO na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation ang kanilang partnership na maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV. Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibiday-daan sa ALLTV na […]
-
Mayor John Rey Tiangco, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa International Coastal Clean-up Day
SA pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas. (Richard Mesa)
-
SIM card registration nagsimula
HANDA na ang mga pangunahing telecommunications company para sa pagpapatupad ng subscriber identity module (SIM) Card Registration Act na magsisimula ngayon. “As relayed to us by the different telcos, they are already ready with their systems come tomorrow and then are ready to accept the registration nationwide starting December 27,” pahayag kahapon ni […]