• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IRR ng child car seat law kinuwestyon ng mambabatas, posible umanong magamit sa katiwalian

Ibinunyag ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na mayroong pagkakasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng House Committee on Transportation na irekomenda ang suspensyon sa implementasyon ng Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act, at nais nilang maghain ng panukala para isuspindi ang naturang batas.

 

 

Bagama’t binigyang-diin niya ang pangangailangan na magkaroon ng patakaran at panuntunan upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata, nais ni Biazon na maging malinaw ang usapin hinggil sa kung papaano ito ipapatupad ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

“Isang point ang gusto kong i-raise sa implementation ng law, ‘yung nilalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) na pinatupad ng DOTr at LTO. Specifically ito ‘yung pagbuo ng tinatawag na fitting stations,” ani Biazon.

 

 

Sinabi ni Biazon na ang ‘fitting stations’ ay maaaring lugar o opisina kung saan ay ginagawa ang inspeksyon ng pagkakabit at wastong paggamit ng child seat restraints. Subalit ang pagbuo ng ‘fitting stations’ ay hindi kasama sa batas, ayon pa sa kanya.

 

 

“Ang problema natin diyan, aside from wala kasi ‘yan sa batas, ang sistemang ipapatupad nila ay meron pang accreditation. In other words, meron pang certain number of fitting stations na bibigyan ng accreditation ng LTO para magsagawa ng fitting ng child restraint devices,” punto niya.

 

 

Bukod sa karagdagang pahirap ito sa mga motorista, sinabi ni Biazon na ang akreditasyon ng mga fitting stations ay maaaring magamit sa katiwalian.

 

 

“Kapag may discretion na involved, there is an opportunity for corruption. Alam naman natin na ang motoring sector is one of the most highly regulated sectors at tsaka very prone to corruption kaya isa ‘yun sa mga points na ire-raise ko against sa IRR ng batas,” aniya.

 

 

Tinukoy rin ni Biazon na ang paglikha ng private motor vehicle inspection center ay isa na namang pahirap sa pinansya ng mga mamamayan, na hindi na kinakailangan, at kanyang hinimok na maghanap ng iba pang pamamaraan upang magpatupad ng kaligtasan sa mga sasakyan.

 

 

“Nagawa na ng pamahalaan ang ganitong serbisyo noon, ‘yung evaluating the vehicle as it is being registered. Pardon the suspicion pero ang dating kasi ‘nun, nakakita ng opportunity para makapagnegosyo.” (ARA ROMERO)

Other News
  • Raymart, nag-post sa IG stories ng kanyang pagbati: JODI, waging Best Actress at kinabog ang mga kalaban sa ‘Asian Academy Awards’

    ANG Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang nag-iisang nakapag-uwi ng tropeo para sa Pilipinas sa Asian Academy Awards 2022 na ginanap sa Singapore noong December 8.     Si Jodi nga ang itinanghal na Best Actress in a Leading Role at kinabog niya ang mga kalaban na mahuhusy na aktres mula India, Singapore, […]

  • Robredo bukas suportahan tambalang ‘Pacquiao-Isko’ sa 2022

    Posibleng iisantabi ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagtakbo sa panguluhan sa 2022 kung ‘yun ang mapagkakaisahan ng koalisyon ng mga oposisyon sa eleksyon sa darating na taon.     Ito nga ang ipinahiwatid ni Robredo sa panayam ng ANC, Lunes ng umaga, nang tanungin kung ano ang pagtingin niya kung sakaling maging running mates sa 2022 […]

  • COVID-19 positivity rate sa NCR lalo pang tumaas

    LALO pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 10.9% nitong Hulyo 9 mula sa 8.3% nitong Hulyo 2 lamang, ayon sa OCTA Research Group.     Ang positivity rate ay porsyento ng tao na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng sumalang sa COVID-19 test.   […]