VICTORY PARADE NG LAKERS APEKTADO NG COVID-19
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
KUMPARA sa mga tradisyunal na ginagawa, kailangan munang maghintay ang mga fans ng Lakers para sa isang victory parade matapos angkinin ng koponan ang kanilang ika-17 NBA championship.
Sinabi kahapon ng Lakers management na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration bilang pag- iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
“We cannot wait to celebrate our NBA title with our fans,” pahayag ng Lakers management. “After consulting with the City and the County, we all agree that a joyful and inclusive public celebration will take place as soon as it is safe to do so. In the meantime, thank you again, Lakers Nation, for your support!”
Inangkin ng Lakers ang korona matapos talunin ang Miami Heat sa Game 6 ng 2020 NBA Finals sa Lake Buena Vista, Florida na tumapos sa kanilang 95-day stay sa loob ng bubble.
Ito ang unang NBA crown ng Lakers matapos noong 2010 kung saan nagbida ang namayapang si Kobe Bryant.
Nagbalik ang koponan sa Los Angeles kahapon para ipagdiwang ang kanilang tagumpay.
Halos 1,000 tao ang nagtungo sa downtown para magdiwang habang ang ilan ay dumiretso sa Staples Center na home court ng Lakers.
Humalo sa pagdiriwang ng mga fans ang ilang “unruly individuals’’ na naghagis ng mga baso, bote, bato at iba pang bagay sa mga officers at 30 buildings at businesses naman ang napinsala.
Inaresto ng mga pulis ang 76 katao na sangkot sa nasabing panggugulo.
-
Mga ospital sa QC na pag-aari ng gobyerno, inihahanda na ang kanilang mga isolation rooms
NAGTALAGA na raw ang mga ospital sa Quezon City na pag-aari ng gobyerno ng isolation room dahil sa posibleng pagkakaroon ng monkeypox cases sa naturang lungsod. Kasunod na rin ito ng naitalang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Pilipinas. Sa isang statement, sinabi ng Quezon City government na ang Quezon City General […]
-
Phoenix Suns, sumandal kay Deandre Ayton para pahiyain ang Utah Jazz
Bumida si Deandre Ayton ang panalo ng Phoenix Suns laban sa Utah Jazz. Kumamada si Ayton ng 29 points at 21 rebounds para pangunahan ang panalo ng Phoenix Suns kontra Utah Jazz, 113-112. Sa kanilang home victory nakarami si Ayton ng steal sa final minute at gumawa ng 11 sa 19 field goals. […]
-
Ikatlong paghaharap nina McGregor at Poirier plantsado na
Inanunsiyo ni UFC star Conor McGregor na ang trilogy nila ni dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier. Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na ang tapos na ang kontrata para sa ikatlong paghaharap nila. Gaganapin aniya ang laban sa Hulyo 10. Unang naglaban ang dalawa noong 2014 kung saan […]