• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IRR para sa amnestiya sa mga dating rebelde, kulang pa rin ng pirma

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maipalabas ng gobyerno ang implementing rules and regulations (IRR) ng amnesty proclamations para sa mga dating rebelde dahil nananatiling kulang ng pirma mula sa mga kinauukulang opisyal ng gabinete ang dokumento.

 

 

Sinabi ng National Amnesty Commission (NAC) na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang pirma nina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa nasabing dokumento.

 

 

“Adopted na natin iyong IRR by the majority members of the commission. Ang hinihintay na lang po natin, iyong signature ni Secretary Abalos, nasa kanya ngayon iyong ating IRR. After him, si Secretary Teodoro na naman ang hihintayin nating pipirma bago po namin i-publish, pero adopted na po namin,” ayon kay NAC chairperson Leah Armamento.

 

 

“Noong narinig namin iyong sinabi ni Presidente, biglang nataranta kami, kasi kailangan na naming habulin iyong mga qualified applicants for amnesty. Sa ngayon, wala pa pong nag-a-apply pero they are requesting for a dialogue, like the CPP-NPA-NDF, the former rebels are requesting for dialogue with the NAC because they wanted to understand the process and who are qualified,” dagdag na wika nito.

 

 

Aniya pa, nais kasing makita muna ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang opisyal na IRR bago pa ito ipatupad.

 

 

Sakop ng amnesty proclamations na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at in-adopt ng Kongreso ang MILF; MNLF; Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade; at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). (Daris Jose)

Other News
  • Sobrang bastos, kaya ‘di napigilan na patulan: JANNO, minura ng isang netizen dahil sa pagbabayad ng tax

    DAHIL sa IG post ni Janno Gibbs tungkol sa pagbabayad ng tax, minura siya ng isang netizen,     Sa post ng singer-comedian, “Bayaran na naman ng Tax.     “Buti pa mahirap, walang babayaran.     “Buti pa mayaman, maraming paraan.     “Kawawa middle class, walang takas.     “Buti na lang wala […]

  • WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.     Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.     Sinabi […]

  • Mall hours adjustment ipatutupad sa November 18 – December 25 – MMDA

    SINABI ni MMDA Chairman Don Artes na iurong sa alas 11:00 ng umaga ang pagbubukas ng mall sa halip na normal operating hours, habang depende na rin sa pamunuan ng mga mall kung hanggang anong oras sila magsasara.     Ani Artes, mas mabuting ma-extend ang oras ng pagsasara upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko […]