Irving nagmatigas, hindi pa magpapabakuna
- Published on January 20, 2022
- by @peoplesbalita
NAGMATIGAS ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna.
Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury.
Sa ngayon bawal kay Irving na maglaro sa home games dahil sa mahigpit na batas sa New York laban sa mga hindi bakunado.
Idiniin naman ni Irving na hindi magbabago ang kanyang pananaw laban sa pagpapaturok dahil ito ang kanyang paniniwala.
Kung sa tingin daw ng mga fans na isa siya pinakasikat na hindi bakunado, nirerespeto niya ito at sana rin daw igalang din ang kanyang sariling pananaw.
-
2 drug suspects tiklo sa P64K droga sa Caloocan at Malabon
SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P60K halaga ng droga makaraang matimbog sa Caloocan at Malabon Cities. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Arseña St. […]
-
NABAKUNAHAN SA COVID, WALANG NARAMDAMANG ADVERSE EFFECT
WALANG naramdamang anumang adverse effects ang ilang mga opisyal ng gobyerno at mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na nabakunahan ng Sinovac vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital. Ito ang pahayag nina PGH Dir. Dr. Gap Legaspi, Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos, makaraang […]
-
Mt. Bulusan, sumabog; Alert Level 1, itinaas!
NAGKAROON ng phreatic eruption ang bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo ng umaga sanhi upang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status nito sa Alert Level 1 o low-level unrest, mula sa dating 0 lamang o normal. “Alert Level 1 status is now raised over Bulusan Volcano, which […]