• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isa patay, 52 sugatan sa gumuhong ikalawang palapag ng isang simbahan sa Bulacan

NAKAPAGTALA  na ng isang patay at umakyat na sa 52 ang sugatan sa nangyaring pagguho ng ikalawang palapag ng St. Peter the Apostle Church sa San Jose del Monte, Bulacan sa kasagsagan ng misa para sa Ash Wednesday ngayong araw.

 

 

Ayon kay Mayor Arthur Robes, kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima na si Luneta Morales, 80 taong gulang, na hindi na nakaligtas pa sa naturang insidente matapos na magtamo ng malaking pinsala nang dahil sa pagbagsak ng naturang simbahan.

 

 

Habang sinabi naman ni City Disaster Risk Reduction Management Office head Gina Ayson, dagsa ang mga tao sa naturang simbahan at marami rin ang nakapila para sa magpapahid ng abo nang mangyari an naturang insidente.

 

 

Sabi ni Parish priest Romulo Perez, dati nang infested ng anay ang ikalawang palapag ng naturang simbahan na gawa sa kahoy.

 

 

Matatandaang batay sa ulat ng San Jose del Monte Public Information Office, lagpas alas-7:00 ng umaga nangyaring ang nasabing pagguho na agad namang nirespondehan ng mga kinauukulan.

 

 

Dahil dito ay agad na ipinag-utos ang pansamantalang pagpapasara sa simbahan para magbigay daan naman sa gagawing assessment ng city engineering and building officials sa gusali. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM, hinikayat ang mga APEC members na palakasin ang ugnayan para maging accessible ang green technology

    HINIKAYAT  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang mga  APEC member economies na tiyakin ang malakas na  “economic at technical cooperation” upang magarantiya na “accessible” ang  green energy solutions. Sa isinagawang interbensyon sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Informal Dialogue and Working Lunch sa Moscone Center, sinabi ni Pangulong Marcos na makatutulong ang  bloc sa mga […]

  • Halos 300K tropa ng AFP, PNP magbabantay sa BSKE

    PINANGUNAHAN kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang “ceremonial send-off” sa halos 300,000 uniformed personnel na itatalagang magbantay sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).     Halos 180,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at halos 100,000 tauhan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inaasahang magbibigay ng seguridad sa […]

  • DepEd: 93% na sa public schools, may gamit sa online learning

    Aabot sa 93 percent ng mga pampubli kong paaralan na ang may mga gamit para sa online learning para sa school year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd). “There are 1,042,575 devices in 43,948 public schools all over the country. These are computers, laptops, tablets that can be used by learners. Additionally, we’ll deliver […]