• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isa sa host ng show na papalit muna sa ‘It’s Showtime’: MELAI, ‘di na-imagine na bibida sa movie na kukunan sa South Korea

NAG-POST si Maggie Wilson ng larawan kasama ang kanyang ina.

 

Nitong Miyerkules kasi, may nangyari sa nanay ni Maggie kunsaan, inaresto raw ito ng mga pulis sa salang carnapping.

 

‘Yun nga lang, ang inaresto at pinagbintangan na nag-carnap ay walang lisensiya at hindi marunong mag-drive.

 

Hindi man pinangalanan ni Maggie, pero madaling mahulaan kung sino ang pinaghihinalaan niyang may pakana ng lahat.

 

Nag-post din si Maggie kunsaan, nagbigay siya ng paliwanag kung paano siya ang pagbibintangan na nag-e-extort ng pera, gayong kabaligtaran daw ang nangyayari.

 

“It’s been over two years since I walked away. He pledged to give me a monthly stipend of P20,000 in late 2021 for my basic needs. I have not received a single peso nor have I followed up or asked for any of it.

 

“In fact, the house that I moved into when I was still in Manila had six months worth of unpaid bills. I cleared that debt myself. I’ve even asked several times for the account details to pay for the “rent,” but they wouldn’t give them to me.

 

“He has been using borrowed money from investors to try and get me instead of paying what he owes to his suppliers, brokers, taxes, credit lines from banks, and others.

 

“I get phone calls and messages every single day from people chasing debt. If you think for a moment that this is about me extracting money from him, it’s quite the opposite.

 

“For legal reasons, this is not about who you think it is. The sky is green and unicorn exists.”

 

***

 

HINDI maitago ni Melai Cantiveros-Francisco ang excitement na sa taong ito nga naman, ni hindi niya na-imagine dati na makakagawa pala siya ng pelikula sa South Korea.

 

Na ang ibang mga kasama niya sa cast ay mga Korean stars, bukod sa ilang local stars sa bansa tulad nina Bernadette Allyson at Jennica Garcia.

 

Sabi ni Melai, “Guys matagal ko na gusto i-share ‘to sa inyo. At ito na mase-share ko na sa wakas. Papakilala ko lang sarili ko. Ako si Ma’am Chief, at your service na tinutukoy ko sa post ko na shooting sa Korea and talaga naman, thank you sa @pulpstudiosph sa tiwala sa akin na bumida sa first ever movie ko na shinoot sa ibang bansa, ‘Koreaaaa’ ‘Kamsamiiii,’ itong movie na ito is brought to us by @pulpstudiosph Inang @happeehour and directed by Madam Kring.

 

“Sobrang best blessing ever ‘to ni Lord sa akin, at simula ngayon, maglalabas ako ng mga pics and behind the scene sa photo ng mga kasama ko sa Korea. With Korean crews and staff and co-actors and actresses.

 

“Amazing ang experience namin and talagang one for the books or one of the books? Kayo na lang bahala, tutal, matatanda naman na kayo. Soon ‘Maam Chief’ in theaters.”

 

Ang bongga ni Melai at title role talaga siya ng pelikula. At bukod sa movie na ito, mapapanood siya sa loob ng dalawang Linggo sa ABS-CBN hanggang hapon.

 

Mula sa ‘Magandang Buhay’ hanggang sa ‘Your Lucky Day’ kunsaan, isa siya sa mga host na rerelyebo muna sa naka-suspend na ‘It’s Showtime.’

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Army Dragon Warriors, humakot ng mga parangal sa 1st leg ng PH Dragon Boat Federation Regatta

    ITINANGHAL na over-all champion ang Philippine Army Dragon Warriors sa 1st leg ng Philippine Dragon Boat Federation Regatta matapos hakutin ang unang pwesto sa tatlong kategorya.     Isinagawa ang torneo sa prestihiyosong Manila Bay noong Marso 27 ng taong kasalukuyan matapos itong maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.     Ayon kay […]

  • Pagkagutom, pinakamataas simula noong 2020

    MAS maraming pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary hunger nito lamang second quarter ng 2024 kumpara sa nakalipas na quarter.         Ito ang lumabas sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), ipinalabas araw ng Martes, Hulyo 23, natuklasan ng SWS na may 17.6% ng pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary […]

  • Pagpapaliban ng barangay, SK elections, niratipikahan

    NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, na nakatakdang gawin ngayong Disyembre.     Sa inaprubahang bersyon ng Bicam ay sa huling Lunes ng Oktubre 2023 idaraos ang Barangay at SK elections kung saan ang mga mananalo sa naturang eleksyon ay manunungkulan sa […]