• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fadol sinilat Italian, wagi rin kontra Qatari sa Doha

HUMATAW ng mga kambal na panalo sina Rose Jean Fadol at Jann Mari Nayre para sumungaw na sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng COVID-19 sa darating na July 23-August 8 ng taong ito.

 

 

Ginulantang ni Fadol, 26, si Olympian Debora Vivarelli ng Italy, 11-6, 11-9, 11-9, 7-11, 5-11, 7-11, 11-9 sa Tokyo 2020 TTE: World Singles Qualification Tournament 1 nitong Linggo sa Ali Bin Hamad Al Attiya Arena sa Doha, Qatar.

 

 

Una niyang dinemolis ang hometown bet na si Aia Mohamed, 11-6, 11-6. 11-3, 11-5, sa buwenamano sa dalawang torneo na lalahukan ng apat na pambato ng ‘Pinas sa misyong makahabol sa nalalapit na quadrennial sportsfest.

 

 

Pasiklab din si Nayre, 21, nang tabigin sa Round of 32 si Daniels Kogan ng Latvia, 11-4, 8-11, 11-9, 11-4, 22-3, at sa Last 16 pagkaraan si Lubomir Pistej ng Slovakia, 7-11, 11-8, 5-11, 11-7, 5-11, 11-3, 11-0.

 

 

Pero hindi kasinggaling at suwerte ng dalawa sina John Russel Misal at Jannah Romero sa kanilang mga laro kaya sa ikalawang torneo na lang muling susubok. (REC)

Other News
  • CATRIONA, patuloy na bina-bash dahil sa malabnaw na pagsuporta kay RABIYA

    INALALA nga ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa kanyang Instagram post ang mga photos bilang candidate nang dumating siya sa Bangkok, Thailand kung saan ginanap ang 67th Miss Universe competition.     Sa caption ni Queen Cat, “And just like that, it’s @missuniverse season again! I think it’s such an amazing feat that the delegates […]

  • EDITORIAL PCUP todo-suporta sa programang ‘Buhay at Bahay Program’

    NANGAKO ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pangunguna ni Undersecretary Elpidio Jordan Jr., na susuportahan ang ‘Buhay at Bahay Caravan’ ni QC 2nd District Councilor Mikey Belmonte, matapos ang isinagawang Memorandum of Understanding signing na ginanap noong nakalipas na Biyernes.     Alinsunod sa agenda ni Pangulong Bongbong Marcos na iangat ang […]

  • Pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng, pumalo nasa P3.16-B – Department of Agriculture

    PUMALO na sa Php 3.16 billion ang katumbas na halaga ng napinsalang agrikultura nang dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Pilipinas.     Batay sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center ng Department of Agriculture, lumobo na sa 197,811 metric tons ang volume ng production lass ng bansa.     Saklaw […]