• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isa sa magsisilbing host sa ’The 7th EDDYS’ ngayong July 7: GABBI, inamin na pangarap din na maging isang beauty queen

MUKHANG nalilinya na pagho-host ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia.

 

 

Last month lang ay napili siyang mag-host sa Miss Universe Philippines at Miss Manila.

 

 

Nakasama lang naman ni Gabbi sina 2022 Miss Universe R’Bonney Gabriel at 2018 Miss Universe Catriona Gray.

 

 

Kaya naman pahayag niya sa isang interview, “Grabe, it was too surreal. Nakakatuwa nga eh. Kahit ako, parang, ang tapang ko naman, ’di ba? I’m hosting with Miss Universe.”

 

 

Inamin din ng Kapuso aktres na super enjoy siyang kasama ang dalawang kinoronahang Miss Universe.

 

 

Ini-reveal din ni Gabbi na tinulungan siya ni King of Talk Boy Abunda para paghandaan ang hosting stint niya.

 

 

“He’s really my mentor for hosting now. I’m learning a lot from him,” say pa ni Gabbi

 

 

Dagdag pa niya, “He saw me in [Miss Universe Philippines], and we saw each other two or three days after that. And he’s been telling me, ‘I watched you, you have potential.’ And then I asked him, I’m so eager to learn about hosting and to improve more.

 

 

“So he took me in, and it’s so fun because he gave me his time to mentor me for this one.”

 

 

Hindi naman itinanggi ni Gabbi na na dream din niyang maging isang beauty queen. Pero hindi raw ito ang kanyang priority sa ngayon dahil may mga obligasyon pa siya sa kanyang brands at network.

 

 

“Right now, I’m focusing on hosting,” tugon pa niya.

 

 

At ngayong Linggo, July 7, isa si Gabbi sa magsisilbing host sa Gabi ng Parangal ng ’The 7th EDDYS’ na gaganapin sa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

 

Makakasama niya ang Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) at ang movie at TV actor na si Jake Ejercito.

 

 

Gaganapin ito sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, na muling ididirek ng aktor at award-winning filmmaker na si Eric Quizon.

 

 

Mapapanood naman ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m..

 

 

May espesyal namang pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela pati na ang Ultimate Singer-Songwriter at TV host na si Ogie Alcasid.

 

 

Isang pasabog na production number din ang hatid ng mga drag queens na Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

 

 

Ang veteran radio-online personality namang si Mr. Fu ang magiging host sa Red Carpet ng awards night.

 

 

Maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform noong 2023.

 

 

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang “About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); “Firefly” (GMA Pictures, GMA Public Affairs);

 

 

“GomBurZa” (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); “Iti Mapukpukaw” (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post) at Mallari” (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).

 

 

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno (GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).

 

 

Magpapatalbugan sa pagka-best actress sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon (Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

 

 

Nominado naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes (Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).

 

 

Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).

 

 

 

Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).

 

 

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024. Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

 

 

Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Sen. Nancy Binay, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, I Fern, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.

 

 

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • YASSI, kinatuwaan ni SHARON sa pinakitang gesture at respeto sa katulad niyang mas senior

    WHILE browsing the Instagram account of Sharon Cuneta ay nakita namin ang video kung saan lumapit si Yassi Pressman sa Megastar at binati ito.     Nangyari ito sa shoot ng ABS-CBN Christmas Special.     Sobrang natuwa si Sharon sa gesture ni Yassi.     “Hi Yassi. Hi, nice to meet beautiful girl. Nice that […]

  • Mahigit P1 bilyong piso sa educational aid, naipamahagi na

    PUMALO na sa mahigit P1 bilyong piso ang naipamigay ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga  indigent learners.     May kabuuang P1,033,610,800 na education assistance ang naipamahagi sa bansa mula  Agosto  20 hanggang Setyembre  17, 2022.     Tinatayang may 414,482 estudyante ang nakinabang mula sa programa kabilang na ang 136,349 […]

  • Maging leksiyon sa lahat!

    NASUGATAN  sa unang linggo ng buwang ito si dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho.   Buhat ito sa pagpa-prank holdup ng 30-anyos, may taas na 5-4 at Tsinitang balibolistang tubong Maynila sa isang mall sa kapwa ABS-CBN reporter na si Jorge Cariño.   Sa social media post ng former Petron Blaze Spikers at television […]