Isa sa mga Aklanon Warriors, nasungkit ang bronze medal sa 8th Pencak Silat Combative Martial Arts Championship Tournament sa Uzbekistan
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
NASUNGKIT ng isa sa mga Aklanon warriors ang bronze medal sa 8th Pencak Silat Combative Martial Arts Championship Tournament na ginanap sa Bukhara, Samarakand, Uzbekistan na nagtapos araw ng Miyerkules, Oktobre 16, 2024.
Napasakamay ni Shara Julia David Jizmundo ang nasabing medalya sa final sa Solo Tungal Artistic kung saan, tinalo nito ang mga magagaling na national player ng Singapore na laging tangay-tangay ang gold medal sa kahit saan mang tournament.
Ayon kay Freddie Jizmundo Sr., coach sa Philippine Lightning Speed – Pencak Silat Aklan, ikinatuwa ng Philippine Sports Commision ang panibagong tagumpay para sa Pilipinas kung saan, suportado nito ang mga atleta sa pamamagitan ng pinansyal.
Ang nasabing laro ay nakakatulong sa personal growth, mental, physical, emotional at pinansiyal na aspeto ng mga kabataan.
Maliban kay Jizmundo ay kasali rin sa Aklanon warriors na kumatawan sa bansa sina Zandro Fred Jizmundo Jr. at Hannah Mae Ibutnande.
Si Coach Jizmundo ay halos 51 taon nang nagtuturo ng combative sports gaya ng taekwondo, karate, sikaran, at pencack silat na naging malaking bahagi ng kaniyang buhay.
Ang Pencak Silat ay isang martial arts artistic na nagmula pa sa bansang Indonesia.
-
7 PASAHERO NG MOTOR LAUNCH NASAGIP NG COAST GUARD
PITONG pasahero ng motor launch ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Roxas at Bantay Dagat Roxas sa karagatang sakop ng Zabala Reef , Barangay Caramay, Palawan Sa ulat ng PCG, nakatanggap ito ng distress call mula ML MRRL’s skipper na si Ricky Conge kaya nagsagawa ng the […]
-
MEET ACE THE HOUND IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”
HE won’t sit or stay, but trust that he’ll save you any day. Kevin Hart is the voice of Ace in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure “DC League of Super-Pets.” Check out the featurette “Meet the Pets – Ace the Hound” below and watch the film in cinemas across the Philippines […]
-
Naoya Inoue binakante ang kanyang mga World Bantamweight Titles
Kinumpirma ni Japanese pound-for-pound superstar Naoya Inoue na babakantihin ang kaniyang WBC, WBA, WBO at IBF world bantamweight titles. Ito ay dahil balak niyang umakya sa 122-pound division ngayon taon. Ayon kay Inoue na wala ng challenge sa 118-pound division. Ang nasabing hakbang ay nangangahulugan na mayroong tsansa ang ilang mga Filipino […]